Facebook

Misis na nagpositibo sa Covid-19, ni-rape ng bantay sa isolation facility

Arestado ang isang lala­king Covid-19 positive nang ireklamo ng panggagahasa ng 35 anyos na misis na palabas na sana ng ICR COVID Isolation Facility sa Legaspi City, Albay Huwebes ng madaling araw.

Tumangging ipalabas ng mga pulis ang pagkaka­kilanlan ng suspek na nasa hustong gulang, residente ng Legazpi City pero sinampahan na umano ng kasong panggagahasa kahapon sa City Prosecutor’s Office.

Isang source ang nagsabi na isang kawani sa City Hall ang umano’y suspek sa panghahalay sa nasabing Covid-19 “survivor”.

Sa ulat, 12:00 ng hatinggabi noong Miyerkules habang nasa labas ng kanyang isolation room ang biktimang si “Anna”, may-asawa at hinihintay ang susundong kapatid para lumabas na sa pasilidad makaraang makarekober at magnegatibo na sa swab test.

Gayunman, habang naghihintay sa kanyang sundo ay nakita ng ginang ang suspek na may kainumang isa pa umanong Covid-19 positive sa loob ng compound ng isolation facility.

Inalok umanong tumagay ang biktima na nagpaunlak naman ng konti. Ilang sandali ay nagtungo sa comfort room ang biktima na sinundan ng suspek. Mabilis umanong nakapasok ang suspek sa palikuran dahil sa sirang pintuan kung saan puwersahang nailugso nito ang puri ng misis.

Sa report, 2:00 ng madaling araw, dumating ang sundo ng biktima kaya dito siya nagkaroon ng pagkakataong makapagsumbong at nag-report sa Legazpi City Police.

The post Misis na nagpositibo sa Covid-19, ni-rape ng bantay sa isolation facility appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Misis na nagpositibo sa Covid-19, ni-rape ng bantay sa isolation facility Misis na nagpositibo sa Covid-19, ni-rape ng bantay sa isolation facility Reviewed by misfitgympal on Hunyo 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.