Facebook

NA-ONSE NG TRESE (Part 1)

Ni NICK NANGIT

NAPANUOD natin kamakailan lamang ang Unang Season na may anim na episode ng pinakabagong animé series sa Netflix na pinamagatang Trese.

Hango ito sa komiks na isinulat ni Budjette Tan at isinalarawan naman ni Kajo Baldisimo. Ang Executive Director ay si Jay Oliva, at maraming nag-dub sa iba’t ibang wika.

Dahil may aspetong kababalaghan, ating suriin.

Kuwento ito ni Alexandra Trese, isang babaeng “babaylan”, na nag-iimbestiga sa sunud-sunod na pagpatay na nagaganap sa Maynila, mula sa krimen sa MRT at Balete Drive hanggang sa pagtutuos sa labas ng Bilibid.

May mga karakter siyang sinasangguni o nakakasalamuha, tao man o engkanto. Sa paglalahad ng kanyang buhay mula pagkabata hanggang sa inisasyon, nakikilala siya ng mga manonood, pati ang kakaibang mundo ng pantasya.

Maganda ang graphics at effects, pinag-isipan ang plot, at wasto naman ang development ng mga pangunahing karakter, idagdag pa ang patikim na after credits sa pagwawakas nitong unang Season.

Maihahambing ang Trese sa iba pang cartoons na ipinalabas na sa TV, gaya ng Batman, XMen, atbp. Kung ito man ay gagawan ng pelikula, mukhang malabo, dahil bukod sa malaking ipupuhunan dito, hindi rin ito pakikinabangan ng kulturang Amerika, kung meron mang maituturing na ganito.

Bagama’t maganda ang panlabas na anyo, isa lamang itong kathang-isip na ipinintang muli ang mga engkanto na masasama at nananakit, at hinaluaan pa ng mga katutubong mahika at kulam na wala namang saysay at malayo sa reyalidad.

Maging ang panulat rito ng BBC na ikinonekta pa sa hindi namang napatutunayang EJKs ay pilit na isiniksik ni Yvette Tan.

Hindi ito magugustuhan ng mga elemental o ng mga katutubong salamangkero’t salamangkera na seryoso sa kanilang mga ritwal at pamamaraan.

Tignan natin, halimbawa, si Nuno. Isa itong duwende na laging lumalabas sa imburnal. Maloko, tsismoso, at mahilig sa chocnut.

Hindi ganyan ang mga duwende, nuno sa punso, at lamang lupa Namamalagi at nagbabantay lamang sila sa kalupaan. Hindi sila matatagpuan sa mamasa-masang daluyan ng dumi at hindi sila naghahangad ng matatamis na tsokolate.

Nandiyan din ang mga tikbalang na sina Señor Armanaz at ang anak nitong si Maliksi. Ang una ay nakatira sa penthouse at ang huli ay sanhi ng mga aksidente sa drag race.

Hindi rin ganyan ang mga tikbalang. Sa kagubatan sila matatagpuan, at hindi sila pumapatay ng mga nagmamaneho nang mabilis.

Ang malalanding sina Hannah at Ammie ay mga engkantong lumilipad, pero nagkakatawang lupa. Kung saan may harutan at gulo, nandun sila.

Hindi ganyan ang mga elemental ng hangin, at lalong hindi sila nagmimistulang Kpop na napapatalsik sa lakas ng kapwa nilang hangin.

(Itutuloy)

Para sa iba pang kaalaman, mag-Subscribe at Watch lang ng buo, pati ads, sa Nickstradamus channel ng YouTube.

At para naman sa mga katanungang saykismo, gaya ng Orakulo gamit ang tarot cards o mga made-to-order crystals, mag sulatroniko lang sa nickstradamus2018@gmail.com.

Hanggang sa muli, Light Love and Life, Namaste!

The post NA-ONSE NG TRESE (Part 1) appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
NA-ONSE NG TRESE (Part 1) NA-ONSE NG TRESE (Part 1) Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.