Facebook

No PBA, Yes NBA!

WALANG PBA star sa Team Pilipinas para sa Belgrade Oympic Qualifying Tournament mula ika-29 ng Hunyo hanggang ika-4 ng Hulyo. Susubok ang all cadet Gilas squad makapasok sa Tokyo Games matapos manguna sila sa kanilang grupo sa Clark bubble para naman sa FIBA Asia Qualifiers. Tabla naman ang tune-up game nila kontra China noong Miyerkules kaya marami ang bumilib sa kakayahan ng mga bata ni Coach Tab Baldwin. Yaka naman daw pala ng mga baguhan kahit hindi kasali mga kuya nilang mga beterano sa pro league.

Samantala ang Estados Unidos na koponan para sa Olympiada ay puro mga taga-NBA. Sa 12 ay 3 pa ang naglalaro sa kani- kanilang mga team para sa Conference Finals. Sila sina Jrue Holiday at Kris Middleton ng Milwaukee na nakikipagbakbakan pa sa Atlanta para sa korona ng Eastern Conference at si Devin Booker ng Phoenix na kaharap ng LA Clippers para naman sa titulo sa West.

Defending champion ang USA habang ang Pinas ay sisikapin pa na mapanalunan ang kaisa-isang slot sa siyudad ng Serbia.

Magkaiba ang stratehiya ng dalawang bansa. Ang kampeon ay all-NBA upang matiyak na maiiuwi ulit ang ginto nguni’t ang sa atin mga bagito na kukuha lamang ng karanasan para sa FIBA World sa 2023 na tayo host.

Ang mga Kano ayaw mapahiya. Ang mga Pinoy forward-looking naman.

Sana makamit nila ang kani-kanilang mga layunin.

***

Alam ninyo ba na basketball ang dahilan kung bakit nabuo ang barkadahan nina Christopher de Leon, Edgar Mortiz, Jay Ilagan at Johnny Delgado? Mahihilig ang apat sa paborito nating sport at nag-aabot sila sa basketball court ng FPJ Studios sa Del Monte sa QC. Nagkahulihan sila ng loob at naging magkakabarkada. Oo kahit mas bata si Boyet at mas matanda si Johnny.

Kaya may Bad Bananas na tropa sa showbiz at sa tunay na buhay.

Uso noon ang iba’t ibang team na panay artista kaya may FPJ All Stars na dumadayo sa iba’t ibang lugar para sa mga exhibition game. Si Tirso Cruz III may sarili ring koponan.

Yan ang isa rebelasyon ni Direk Bobot sa atin nang maging bisita natin siya sa bahaging Piling-Piling Panauhin ng OKS@ DWBL nitong Lunes.

Sa ika-28 naman ng buwang kasalukuyan ay magiging guest natin si Coach Patrick Henry Aquino ng RP women’s cage squad at ilang mga manlalaro niya.

Masusubaybayan ninyo rin ang ating programa sa YouTube (OKS@DWBL June 28, 2021). Gayon din sa FB Live (DWBL 1242 Live Streaming). Kita-kits mula alas kuwatro hanggang alas singko ng hapon.

The post No PBA, Yes NBA! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
No PBA, Yes NBA! No PBA, Yes NBA! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.