PATULOY ang paggamit ng New People’s Army (NPA) sa “child warriors” at anti-personel mines (APM) na pawang ipinagbabawal ng International Humanitarian Law.
Ito ay pinatunayang muli ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) matapos matanggap ang ulat ng dalawang sagupaan sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at ng mga teroristang-komunista sa Agusan Del Sur at Surigao del Sur kamakailan lamang, na nagresulta sa pagkakahuli ng isang batang babae at pagkamatay ng tatlong miyembro ng NPA matapos ang labanan na nakakumpiska din ng mga baril, pampasabog at mga gamit para makagawa ng APM.
Ang unang sagupaan, ayon kay Lieutenant Colonel Benedict Harvey Gernale, commander ng 3rd Army Special Forces Battalion, ay naganap sa Barangay Mabuhay, Prosperidad, Agusan del Sur noong Lunes (June 14, 2021). Nagsasagawa ng combat operations ang militar nang masumpungan nila ang tinatayang sampung miyembro ng komunistang-terorista na nakipag-palitan ng putok sa kanila.
Wala namang namatay sa mag-kabilang panig, subalit nagresulta sa pagkakahuli sa isang menor de edad na babaeng NPA na kinilala lamang sa alias “Cindy” at pagkakarekober ng 10 backpacks, 3 cellular phone at mga gamit sa paggawa ng APM.
Ang na-rescue na si Cindy ay naiturned-over na sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Prosperidad.
Sa paglalahad ni Cindy ng mga lugar na pinamumugaran ng mga dumukot sa kanyang NPA, isa pang Army Special Forces ang ipinadala kinabukasan (June 15, 2021) sa Sitio New Decoy, Barangay Diatagon, Lianga, Surigao del Sur.
Ngunit bigla silang pinaputukan ng mga NPA sa kanilang pagdating sa lugar at nagpasabog pa ang mga ito ng isang APM sa tinatayang sampung-minuto na palitan ng mga putok.
“Sa kabila ng masukal na kagubatan at bulubundukin na lugar, na may panganib pa sa mga sniper ng kalaban, tinugis pa rin ng ating mga kawal ang patakas na nga NPA,” ang paliwanag ni Gernale.
Tatlong teroristang-komunista, isang lalaki at dalawang babae, kabilang ang isa ring menor de edad, habang wala namang sugatan sa parte ng mga sundalo.
Kinilala ang mga napaslang bilang sila Lenie Perez- Rivas, 38; Willy Salinas Rodriguez, 20, at isang 12-taon gulang na si Angel Rivas. Ang mga ito ay miyembro ng Sub-Regional Sentro de Grabidad Southland, North Eastern Mindanao Regional Committee ng CPP-NPA.
Ang mga bangkay ng NPA ay dinala ng mga tropa ng pamahalaan sa Sitio Manluy-a na sakop din ng Lianga.
The post NPA gamit ang mga “child warriors” at APM sa bakbakan sa Surigao appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: