Facebook

Atorni binayaran ng alimango ng kliyente

MALUGOD na tinanggap ng isang abogado ang bayad na mga alimango ng kanyang kliyente sa Sorsogon.

Kinilala ang nasabing abogado na si Attorney Noel Allen Bose.

Sa ulat, sinabi ng kliyente ni Bose na wala silang perang pambayad pagkatapos ng isang hearing sa malayong korte.

“Atty. Wala akong pambayad ng appearance fee mo. Pwede po ba yung huli nalang namin ang ipambayad ko sa inyo?,” pahayag ng kliyente ni Atorni Bose.

Malugod na tinanggap ni Bose kung ano lang ang nakayanan ng kanyang kliyente kaya laking pasasalamat ng mga ito sa kanya.

Ang post ng abogado ay nag-trending sa social media, umani ng mga paghanga sa kababaang loob nito.

The post Atorni binayaran ng alimango ng kliyente appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Atorni binayaran ng alimango ng kliyente Atorni binayaran ng alimango ng kliyente Reviewed by misfitgympal on Hunyo 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.