Facebook

Presidentiables, ano na?

FOUR months nalang filing na ng Certificate of Candidacy (CoC) para sa Mayo 2022 local/national elections.

Kaya nagbabanatan na ang mga posibleng kumandidato bilang Pangulo sa 2022. Wala pa namang hayagan na nag-aanunsyo ng kandidatura sa panguluhan. Pero batay sa ikinikilos ng nila, malalaman mo na kung sino ang sasabak sa presidential at vice presidential derbies.

Nandyang magbangayan tungkol sa COVD-19 response sina VP Leni Robredo at Mayor Sarah Duterte-Carpio. Nandyan din ang ginagawang pasundot-sundot ni Yorme Isko Moreno lalo na sa isyu na hindi anya minamana ang pwesto ng panguluhan sa bansa. Nandyan din si Senador Manny Pacquiao na sunod-su-nod ang pagbira pati na kay Pangulong Duterte na siyang chairman ng partidong kanyang kinabibilangan, ang PDP Laban.

Sa totoo lang, marami pa ang mga lumilitaw na pangalan para kumandidato para sa top national positions. Andyan si Senate President Tito Sotto, Sen. Ping Lacson at maging si dating Senador Antonio Trillanes na nagpahayag na ng kanyang interes na tatakbo bilang pangulo kung hindi tatakbo si VP Leni para sa naturang posisyon. Nagsabi narin si dating Speaker Alan Peter Cayetano na “he is seriously considering and discerning to run as president” o kaya iba pang national at maski local na posisyon.

Hindi na dapat gawing rason ng mga kakandidato ang pandem-yang COVID-19. Ang dami kasing nagsasabi na hindi pa dapat pag-usapan ang pulitika dahil maaga pa, mali! Sa Oktubre na ang filing ng CoC kaya dapat ngayon palang ay inihahayag na ng mga kakandidato ang kanilang plataporma de gobyerno lalo na sa pag-harap sa post COVID at new normal na sitwasyon ng bansa. Dapat din na ilahad nila sa publiko ang kanilang track records para hindi na magkagulatan ‘pag umarya na ang kampanya.

Mabuti pa itong si Cayetano kahit nag-iisip palang kung kakandidatong pangulo ay may mga naiisip na kung ano ang gagawin nya. Mismo! Ngayon pa nga lang libo-libo na ang mga nakatanggap ng ‘Sampung Libong Pag-asa’ o 10K Ayuda na kanyang prog-rama kasama ang mga kaalyadong kongresista para maiahon ang ating mga kababayan na lubhang naapektuhan ng pandemya. Sabi nga nya, dapat ipatawag ng NEDA lahat ng possible candidates upang tanungin at talakayin ang kanilang mga economic recovery plan para sa bansa. Hindi kasi dapat nanghuhula ang mga tao kung ano ang gagawin ni ganito at ni ganyan kung panahon na ng kampanya. Dapat ngayon palang kwentas claras na. Mismo!

Sa totoo lang, binabago ng Sampung Libong pag-asa ang buhay ng mga tao kasi hindi naman dole out o pangtawid. Ito ay pang-ahon ng ating mga kababayan sa kanilang sitwasyon ngayon. Kaya nga natural lang na may mga nagsasabi na namumulitika si Cayetano sa pamimigay ng 10K ayuda. Pero, ang sabi ng dating speaker wala siyang paki kung sabihan siya na namumulitika. Mas gusustuhin pa niyang masabihan na namumulitika pero marami ang natutulungan kaysa hindi namumulitika pero wala namang ginagawang tulong sa kapwa. Tama!

Wala pa namang pinal na desisyon, pero ang saya siguro kung maipapatupad sa buong bansa ang mga proyektong pinapatupad ngayon sa Taguig. Tulad ng door-to-door na paghahatid ng gamot ng senior citizens at iba pang residente, pagkakaroon ng P700M scholarship fund taon-taon, libreng uniporme, sapatos,bag, notebooks pati raincoats ng mga estudyante, center for the elderly na kumpleto sa amenities at may dialysis machines pa, mabilis na responde sa panahon ng pangangailangan at iba pang magagandang proyekto na tinatamasa ngayon ng mga residente ng lungsod.

Kaya ang hamon natin sa mga nagbabalak kumandidato lalo sa pagka-pangulo, por dios por santo lumantad na kayo. ‘Wag n’yo nang bitinin ang sambayanang Filipino sa mga plano nyo para sa aming lahat. Nasa gitna tayo ng matinding krisis dahil sa pandem-ya kaya naman please lang ilahad n’yo na ang mga gusto n’yong gawin para sa kapakanan ng ating bayan. Now na!!!

The post Presidentiables, ano na? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Presidentiables, ano na? Presidentiables, ano na? Reviewed by misfitgympal on Hunyo 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.