MAHIGIT sa P2 milyong halaga ng marijuana na ipinalaman sa dried fish na nasa dalawang karton ang nadiskubre matapos na kalkalin ng aso sa Sitio Ngilin, Poblacion Tinglayan, Kalinga.
Ayon kay Police Cololonel Davy Vicente Limmong, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, ilang mamamayan ang nagsumbong ukol sa dalawang karton na pinaglagyan ng marijuana sa gilid na kinakalkal ng aso.
Umaabot sa 19 marijuana bricks na tumitimbang ng halos 18 kilos ang nadiskubre.
Posibleng sa medyo masangsang na amoy ng isda ay nagawang kalakalin ng mga asong gala ang nasabing mga kontrabando.
Modus na umano ito ng mga nagbebenta para hindi agad mahalata ang laman ng karton na ipinapalaman o hinahaluhan ng iba.
Maaari umanong nahuli sa dating ang kukuha o bibili sa marijuana kaya’t nagawang kalkalin ito ng mga aso.
Kilala ang bayan ng Tingla-yan na numero uno sa produksyon ng marijuana sa Luzon. (Rey Velasco)
The post P2m ‘tsongki’ ipinalaman sa isda nakalkal ng askal appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: