“TAHANAN din namin ang lungsod ng Maynila.”
Ito ang ang nais maramdaman at ipahayag ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga miyembro ng Muslim community sa lungsod makaraang pormal na pasinayaan nilang dalawa ni Vice Mayor Honey Lacuna ang Manila Islamic Cemetery sa loob ng city-run Manila South Cemetery nitong Lunes ng umaga.
Sila ay sinamahan nina Maguindanao Congressman Toto Mangudadatu, Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan , city engineer Armand Andres, South Cemetery Director Jess Payad, Her Excellency Hajah Johariah Binti Haji Wahab, Ambassador from the Embassy of Brunei Darussalam; His Excellency Norman Bin Muhammad Ambassador Extraordinaire and Plenipotentiary from the Embassy of Malaysia kasama rin ang First Secretary Mrs. Ayu Zie Muhammad Khairul Anuar; Widya Rahmanto, Charge d’ Affaires at Tegu Wiwenko, Minister Counsellor mula sa Embassy of the Republic of Indonesia at Manila Muslim Affairs Director Shey Yu.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Moreno na ang sementeryong eksklusibo sa mga Muslim ay handog ng pamahalaang lungsod sa Muslim community sa Maynila at bahagi ng pagpapakita ng paggalang sa sinaunang lahing pinagmulan ng mga ninuno ng Maynila kabilang na sina Rajah Solaiman, Rajah Matanda, Rajah Bago at Rajah Lakandula, na siyang nanguna sa mga pag-aaklas laban sa mga mananakop na dayuhan.
Sa panig naman ni Lacuna ay sinabi nito na: “We welcome you all in our city that acknowledges diversity, where differences are integrated not annihilated.”
Ayon kay Moreno sa kanyang 23 taon ng paninilbihan sa gobyerno ay madalas siyang nakakaranig ng mga kwento kung gaano kaproblemado ang mga miyembro ng Muslim community sa tuwing may mahal sa buhay na mamamatay, lalo na ang mahihirap.
Dahil dito ay nangako siya sa yumaong Bangsamoro Transition Committee chair Ghazali Jaafar na kung ipapahintulot ng Diyos at siya ay maupong alkalde, ay magtatayo siya ng sementeryo na eksklusibo lamang sa mga Muslims.
“We want you to have a sense of belonging… to erase all biases and prejudice. We are all Filipinos, after all,” pahayag ni Moreno na idinagdag pa na ang hakbang ay bilang pagtanggap ng malaking pagkukulang ng lungsod noong mga nakaraang panahon sa pagbibigay pagkilala sa mga Muslim na naninirahan sa Maynila.
Ayon sa alkalde ay may 20,000 Muslims sa lungsod kung saan ang konsentrasyon ay sa Quiapo, San Miguel, Baseco, Parola at San Andres.
Ang kababagong pasinaya na sementeryo ay nasa 2,400 square- meter na lote at magsisilbing eksklusibong libingan ng mga katawan at buto ng mga residenteng Muslim sa Maynila.
Ang pagkakaroon ng Muslim cemetery sa lungsod ay nabigyang daan sa pamamagitan ng Manila Ordinance No. 8608 na iniakda ni Councilor Awi Sia at ipinasa ng Manila City Council sa pangunguna ni Lacuna bilang presiding officer. Naglaan din ng P49.3 million pondo ang konseho para dito, kabilang na ang pagtatayo ng Cultural Hall at pagbuo ng plantilla items para sa magiging kawani ng bagong Muslim Cemetery Division.
Sinabi pa ni Moreno na kapansin-pansin na habang may sementeryo sa mga Filipino at Chinese sa Maynila ay saka naman walang sementeryo sa mga Muslim kaya napapanahong magkaroon na sila ng sarili nilang sementeryo.
Sa paglikha ng ‘Manila Islamic Cemetery,’ ay inutos ni Moreno na bigyang ng seryosong konsiderasyon ang lahat ng tradisyon at gawain ng mga Muslim sa paglilibing ng kanilang mga patay.
‘Providing them a burial site is our simple way of giving back to them although this is certainly not enough. Ito ay isang pagkilala sa mga ninuno nating Muslim. It’s long overdue. It’s our own little way of giving them recognition as our ancestors and letting them know that they belong,” pahayag ng alkalde. (ANDI GARCIA)
The post Manila Islamic Cemetery, pormal na pinasinayaan ni Isko at Honey appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: