Facebook

Football player ng FEU ang isa sa mga nasawi sa pagsabog ng bomba ng NPA

ISA palang atleta at estud-yante ng Far Eastern University ang isa sa dalawang nasa-wing bikers nang masabugan ng itinanim na bomba ng mga elemento ng New People Army (NPA) sa Masbate nung Linggo ng umaga, Hunyo 6, 2021.

Kinilala ang mga biktima na si Kieth Absalon, 21 anyos, miyembro ng FEU Tamaraw football team sa UAAP; at pinsan nito si Nolven Absalon, 40.

Isa pa ang nasugatan sa pagsabog, si Chrisbin Daniel Absalon, 16, anak ni Nolven, na nagtamo ng tama ng sharpnel sa kaliwang kamay.

Sa report, 6:45 ng umaga nang maganap insidente sa Purok 4, Barangay Anas, Masbate City.

Nagba-bike ang mga biktima patungo sa Bgy. B.Titong town proper nang sumabog ang bomba na inilagay sa gilid ng kalsada ng mga rebelde.

Naniniwala ang ate ni Kieth na hindi lang namatay ang kaniyang kapatid dahil sa IED sa isang landmine, na sinasabi ng militar na itinanim ng NPA. May “bakas ng bala” pa kasi sa mukha ang binata.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Guillermo Lorenzo Eleazar, ang pagtugis sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na nasa likod ng pagsabog.

Inatasan narin ni Eleazar ang mga lokal na Pulisya sa Masbate na paigtingin ang kanilang police visibility upang tiyakin ang kaligtasan ng mga nasasakupan nito. (Mark Obleada)

The post Football player ng FEU ang isa sa mga nasawi sa pagsabog ng bomba ng NPA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Football player ng FEU ang isa sa mga nasawi sa pagsabog ng bomba ng NPA Football player ng FEU ang isa sa mga nasawi sa pagsabog ng bomba ng NPA Reviewed by misfitgympal on Hunyo 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.