Facebook

PNP may ‘person of interest’ na sa pinaslang na Brigada exec

KINUMPIRMA ng Philippine National Police na mayroon na silang ‘persons of interest’ sa pagpaslang sa chief of staff ng Brigada Group of Companies na si Yentez Quintoy, 34 anyos.

Ayon kay General Santos City Police Director, Colonel Guilbert Puzon, may lumutang na testigo at itinuro ang isang suspek na sinasabing may kinalaman sa pamamaslang.

Bagama’t tumanggi munang pangalanan, inihayag ni Puzon na angulong ‘personal grudge’ ang tinitingnan nilang motibo sa krimen.

Naniniwala si Puzon na mas mabibigyang-linaw pa ang kaso sa oras na mahuli ang suspek na ngayon ay tinutugis na ng kanilang operatiba.

Kumbinsido si Puzon na malaking tulong ang P1-million reward money na inalok ng Brigada para matukoy ang salarin.

The post PNP may ‘person of interest’ na sa pinaslang na Brigada exec appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PNP may ‘person of interest’ na sa pinaslang na Brigada exec PNP may ‘person of interest’ na sa pinaslang na Brigada exec Reviewed by misfitgympal on Hunyo 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.