Facebook

Pacquiao dinemanda ng $3.3m sa pagtalikod sa Garcia fight

DINEMANDA si Senador Manny Pacquiao ng Paradigm Sports, ang management agency na sinalihan ng eight-division champion noong February 2020, ayon sa ulat.

Iniulat ng Athletic’s Lance Pugmire nitong Linggo (Manila time) na ang Los Angeles-based agency, na siya ring may hawak sa UFC star na si Conor McGregor, ay inakusahan si Pacquiao ng “breached an agreement” sa kanila matapos pumirma ng laban kay Errol Spence Jr.

Sinasabing ang Paradigm ay “under the impression” nang si Pacquiao ay pumirma ng kasunduan para sa laban kay Mikey Garcia —ang laban na inaayos ng Paradigm.

Ang demanda ay humihingi ng halagang $3.3 million, at paghingi ng injunction para pigilan ang Pacquiao-Spence fight.

Ang pagpirma ni Pacquiao sa Paradigm ay nangyari nitong nakalipas na taon nang niluluto ang laban sa pagitan nina Pacquiao and McGregor.

Pero ang plano ay hindi natuloy nang matalo si McGregor kay Dustin Poirier sa UFC.
At dito pumasok ang plano kay Garcia.

Noong Mayo, napurnada ang negosasyon sa Pacquiao-Garcia fight. Pagkaraan ng isang linggo inanunsyo naman ang laban ni Pacquiao kay Spence.

Ibinunyag ni Pacquiao sa programang Noli Eala’s Power & Play nitong Sabado na si Garcia ang may final choice kung sino ang kanyang gusto makalaban, kabilang si Terence Crawford.

Ang Pacquiao-Spence fight, kapag natuloy sa kabila ng demanda ng Paradigm, ay nakatakda sa August 21 (August 22, Manila time) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

The post Pacquiao dinemanda ng $3.3m sa pagtalikod sa Garcia fight appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pacquiao dinemanda ng $3.3m sa pagtalikod sa Garcia fight Pacquiao dinemanda ng $3.3m sa pagtalikod sa Garcia fight Reviewed by misfitgympal on Hunyo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.