Facebook

BIGTIME ACCOMPLISHMENT MULI NG CIDG

ANG walang puknat na pagkilos ng CIDG sa kampanya nito kontra ‘wanted persons’ ay nagreresulta ng malaki para sa kapakanan ng bayan tulad ng naganap na operasyon kamakailan sa Batangas City ayon kay CIDG Director PMGEN ALBERT IGNATIUS FERRO.

Nasakote sa ikinasang operasyon ng CIDG NCR RFU na nagresulta ng pagkaaresto sa dating alkalde ng Talitay, Maguindanao at 6 pa.

Sa pakikipagtulungan ng CIDG Batangas,PIU Batangas,PPO,PDEG,PRO BAR at PPA Authorities ,naaresto ng Regional Field ang 44-anyos na ex-mayor sa bisa ng WoA at iba pang kasamahan niya dahil sa violation of RA 9516.

Narekober sa naturang operasyon ang malalakas na kalibre ng baril sasakyan , cellphones, salapi ,mga dokumento etc.

Ang mga inaresto ay dinala sa CIDG Batangas para sa imbentaryo at dokumentasyon na sinaksihan ng opisyales ng barangay sa Kumintang,Ilaya, Batangas City at miyembro ng media.

Sa mga sumunod na pangyayari ay nasawi ang arestadong ex-mayor sa unfortunate na insidenteng pang-aagaw ng baril ng police escort upang tangkaing tumakas habang sinikap pa rin ng mga nagdalang otoridad na iligtas ang buhay nito ‘in futility’ sa pagamutan.

Itinuturing ng CIDG na ang mga pinaigting na operasyon ng ahensiya ng Kapulisan ay nagpapaliit na sa mundo ng mga kriminal sa bansa upang makamit na ang tunay na katiwasayan at kaayusan na siyang direktiba ni Pangulong ( Commander-in-Chief) Rodrigo Duterte sa timon ni PNP Chief Guillermo Eleazar at kumpas naman ni PMGen Ferro ng CIDG…SALUDO!

Lowcut:KOREAN curse no more! Winalis ng GILAS Pilipinas ang powerhouse Korean men’s basketball nang dalawang sunod na ngayon lang nangyari sa kasaysayan ng rivalry ng dalawang bansa mula pa noong dekada 70, Maraming beses na luhaan noon ang ating mga pambato dahil madalas silang masilat ng mga singkit sa endgame sa pamamagitan ng long rainbow shot. Pero iba na ngayon ..Mga batang Gilas lang ang katapat ng Sokors. Salamat Dwight Ramos,Sj Belangel,Kai Sotto,Nieto,Go,Navarro,Gouame,Baltazar at iba pang bata pero bakal ang dibdib at PUSO!Thanks din sa twin- win Coach Tab Baldwin!

Shoutout sa ating mga kalingkod, kakorner at kaisport diyan sa Barangay Bagong Silang,Caloocan City. Kay Kapitan Joel S. Bacolod at Konsehala Leah Bacolod.Kay PWDO Dept. Chief Maria Susana Laganzo at mga maasahang staffs na sina Editha Gadingan,Emelina Casi,Lolita dela Rosa#Team JB# LB Cares, MITOHETPO I-A Tanod founder Albert Ferrer at AM FM Aksiyon Malasakit..MABUHAY BAGONG SILANG!

The post BIGTIME ACCOMPLISHMENT MULI NG CIDG appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BIGTIME ACCOMPLISHMENT MULI NG CIDG BIGTIME ACCOMPLISHMENT MULI NG CIDG Reviewed by misfitgympal on Hunyo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.