Facebook

Unang batch ng Moderna vaccines darating na

NAKATAKDANG dumating ngayong gabi ang unang batch ng suplay ng bakuna kontra COVID-19 na likha ng kumpanyang Moderna matapos na maudlot ang pagdating nito sa bansa noong Hunyo 25 dahil sa logistical issues.

Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez, dakong 11:00 ng gabi darating ang nasa 249K doses ng Moderna Vaccines sa NAIA Terminal 3.

Una rito, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., sa naturang suplay ng Moderna Vaccine, 55k dose ay para sa pribadong sektor.

Matatandaang, sinabi rin ni Galvez na aabot sa 20 milyong doses ng Moderna Vaccine ang natiyak ng Pilipinas sa pamamagitan ng tripartite agreement sa pribadong sektor.

Sa bilang na ito, 13 milyong dose ang para sa gobyerno ng Pilipinas, at 7 milyon dose naman ang para sa mga pribadong sektor.

The post Unang batch ng Moderna vaccines darating na appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Unang batch ng Moderna vaccines darating na Unang batch ng Moderna vaccines darating na Reviewed by misfitgympal on Hunyo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.