NAGULANTANG ang sambayanan nang bumulaga sa social media ang pagpanaw ng nakaraang Pangulo ng bansa na si Benigno “Noynoy” Aquino lll nitong Huwebes ng umaga, Hunyo 24, 2021.
Yumao si ex-PNoy sa edad na 61 anyos. Ang sanhi ng kanyang pagpanaw ay renal disease secondary to diabetes.
Kahit naman noong nasa kapangyarihan pa siya (2010 – 2016) ay kinakitaan na si Noynoy ng problema sa kalusu-gan, ubo nang ubo, dahil daw sa paninigarelyo.
Si Noynoy ay anak nina late President Cory Aquino na pumanaw noong 2019 at ng pinaslang na dating Senador Ninoy Aquino, ang mortal na kalaban ng diktador na late Pres. Ferdinand Marcos.
Si Noynoy ay nag-iwan ng magandang legacy sa Pilipinas. Napaunlad niya ang ekonomiya ng bansa kungsaan sa kanyang termino ay tinaguriang ‘fastest tiger economy’ ang Pilipinas. Nag-iwan siya ng bilyon bilyong pondo sa kaban ng bansa nang bumaba siya sa puwesto noong 2016, na minana ng administrasyong Duterte.
Rest in peace, PNoy…
***
NITONG mga nakaraang araw, mas napapansin ng netizens ang pagkakaiba sa leadership styles ng dalawa sa pinakamataas na pinuno ng ating bansa.
Oo! Kumalat sa social media ang pag-uusisa sa pag-handle nina Presidente Rody Duterte at VP “Nanay Leni” Robredo sa paghihikayat ng mga mamamayan para magpabakuna.
Parang meant to be talaga ang timing. Matapos sabihin ng Presidente na ipaaaresto niya ang mga ayaw magpabakuna o ‘di kaya’y lumayas nalang sila ng Pilipinas, ki-nabukasan naman ay umusad ang ‘Vaccine Express’ na programa ni Nanay Leni kungsaan nagbigay siya ng gas incentive sa mga nagpabakunang TODA drivers at delivery riders sa Maynila.
Akalain mo… ‘yung babakunahan ka na nga ng libre, meron ka pang P500 na pang gas? Buwenas kung buwenas!!!
Ang tindi ng contrast, ‘di ba mga pare’t mare? May tatay na abusado, balahura, delingkwente, at sa paminsan-minsan mong makita e wala ka pang ibang narinig kundi mura. Tapos may nanay na nagagawan ng paraang pasunurin ang mga anak dahil sa kabutihang-loob, at linaw at husay ng diskarte. Mismo!
Mind you, literal na biyudang single mother si Leni Robredo. Parang ganu’n narin ang role niya sa pambansang gobyerno—halos mag-isang kumakayod, inaasikaso ang lahat, pinagkakasya ang budget, patas ang trato sa bawat anak. Nanay kung nanay nga talaga! Napalaking ginhawa ng isang ilaw ng tahanan sa gitna ng dilim ng pandemya na kinakaharap ng Pilipinas, ngayon ang ina-asahang haligi nito ay ‘di maikakailang nabubulok na!
***
Kapuri-puri ang ginagawa ni DPWH Secretary Mark Villar sa kanyang ahensiya.
Sa kabila ng may pandemya sa Covid-19 ay nagawa ni-yang tapusin ang marami sa mga programa ng national government sa ilalim ng Build Build Build, ang continuation ng Public-Private Partnership (PPP) projects ni late PNoy.
Dahil sa pagpursigi ng batang Villar, anak nina Sen, Cynthia at ex-Senate President Manny, na ipagpatuloy ang PPP kahit may pandemya, hindi nagutom ang maraming trabahador. Mahusay!
The post Pagpanaw ni PNoy, at si ‘Nanay Leni’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: