Facebook

Mga PWD sa Tupi, South Cotabato tinulungan ni Bong Go

BILANG tugon sa kanyang pangako na hindi pababayaan ang mga vulnerable,lalo ang mahihirap na komunidad, personal na binisita at hinatiran ng tulong ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga may kapansanan o persons with disabilities sa Tupi, South Cotabato.

“Sinabi ko kay Mayor [Romeo Tamayo] na hindi natin kakalimutan ang mga kapatid nating may disabilities, lalo na hirap tayo ngayong panahong ito. Hirap tayo sa trabaho at hirap sa negosyo. Magtulungan lang tayo, mga kababayan, at malalampasan rin natin ang mga pagsubok na ito,” sabi ni Go.

“Kaunting tiis lang po. Alam namin na nahihirapan na kayo. Hirap na din kami ni Pangulong Rodrigo Duterte pero kayo ang nagbibigay ng lakas sa amin para magtrabaho pa para malampasan natin itong pandemyang ito,” dagdag niya.

Namahagi ang grupo ni Go ng mga makakain, food at medicine packs, masks at face shields sa tinatayang 150 PWDs sa municipal gym.

May mga binigyan din ng bisikleta, pares ng sapatos at computer tablets para sa mga mag-aaral.

Bilang chairman ng Senate Committee on Health, hinimok ni Go ang mga nangangailangan ng medical services o treatments na lumapit sa Malasakit Center na nasa Dr. Jorge P. Royeca Hospital sa General Santos City o sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.

“Kung kailangan niyo magpa-opera, mayroon nang Malasakit Center dito. Puntahan niyo lang ‘yan o lapitan niyo ang aking staff at tutulungan namin kayo. Mayroon na tayong 120 Malasakit Centers sa buong Pilipinas na tutulong para sa mga pangangailangang medikal niyo. Inyo ito, para ito sa mga Pilipino,” paliwanag ni Go.

Nanagawan din ang senador na magpabakuna na kapag nagkaroon ng pagkakataon para makaiwas sa COVID-19.

“Pakiusap namin, magtiwala kayo sa bakuna. Ito ang tanging paraan para tayo ay makabalik sa normal natin na pamumuhay. Hangga’t patuloy na nagbabakuna ang gobyerno at hindi pa natin na-achieve ang herd immunity, kailangan namin ang disiplina niyo para hindi kumalat ang sakit. Ayaw natin na mangyari dito ang nangyari sa ibang bansa kung saan hindi na nila ma-control ang pandemya,” anang mambabatas.

The post Mga PWD sa Tupi, South Cotabato tinulungan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga PWD sa Tupi, South Cotabato tinulungan ni Bong Go Mga PWD sa Tupi, South Cotabato tinulungan ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Hunyo 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.