Facebook

Pahirap sa mga Senior Citizen

When I was a boy of 14, my father was so ignorant I could hardly stand to have the old man around. But when I got to be 21, I was astonished at how much the old man had learned in seven years. — American humorist Mark Twain

PASAKALYE:

Text message . . .

Napakaganda ng isinulat sa kanyang pitak ng kapwa naming senior citizen na si BONG RAMOS. Ang ganda ng puna at banat niya sa mga taga LGUs. Lalo na sa mga chairman, kay Mayor ISKO MORENO sa City Hall at OSCA. Kakarampot na ‘di mo nga masasabing tulong pa ito pero sablay pa. Kayo bang magkakasya, makokontento na sa 500 pesos kada buwan at tuwing ikatlong buwan pa makukuha ang 500? Tama si Bong tungkol sa mga samo’t saring nangyayari sa bigayan ng 500 lang at mga listahan ng mga senior. Dami pahirap na pinagagawa sa mga senior kung saan-saan pinapupunta, pinapaikot e mga senior na kami. Ayaw kami palabasin ng bahay—bawal. Paano namin maaayos ang problema na kayo mga LGU ang may kagagawan. Saan magagaling ang listahan ng pangalan namin para ipadala sa City Hall, ‘di ba kay chairman? Hindi na kayo naawa sa matatanda at iba, ‘di na kayang kumilos tapos papuntahin pa kung saan-saan? Yorme, matalino ka ‘di ba? Bakit ‘di mo alam ang kagaguhang ito? GOD FIRST. Juan po. — Juan ng Tondo (09094818…, 9:05, Wednesday, May 26, 2021)

REAKSYON:

Kung mapapansin n’yo, tunay ngang napakahirap makipagtransaksyon sa pamahalaan. Marami silang hihilingin—mapa-dokumento man o katibayan na kailangang siumite—bago iproseso ang kailangang transaksyon. Nagiging madali lamang ito kung mayroon koneksyon sa ‘loob’ o kung ang nakikipagtrnasaksyon mismo ay opisyal o mayroon impluwensya kaya dagliang tinatanggap at pinoproseso ang kailangan.

Kung mag-iisip lamang ang ating mga opisyal at uunawain ang mga problema kinakaharap ng bawat mamamayan ay daglian ding masasaisip o maibabalangkas ang mga pamamaraan para maresolba at mabigyan ng solusyon ang napakaraming suliraning bumabagabag sa atin at sa bayan.

Subalit sadyang nagpapakatanga ang marami nating mga lider at mas nais nila ang ‘easy way out’ bilang paglutas sa kinakaharap na mga balakid at problema.

Kalimbawa na lang ang ayuda ngayong pandemya, hindi ba’t ikatlo na nga ang binuhos na pondo para sa mga nangangailangan?

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

The post Pahirap sa mga Senior Citizen appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pahirap sa mga Senior Citizen Pahirap sa mga Senior Citizen Reviewed by misfitgympal on Hunyo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.