BAGAMAT hindi niya sinasadya, naungusan na naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang ibang mayor ng mga lungsod at munisipalidad sa buong Pilipinas.
‘Yan ay nang mapagtagumpayan ni Moreno na makabili ang pamahalaang-lungsod ng Maynila ng sarili nitong mga bakuna, para magkaroon ng tuloy-tuloy na bakunahan sa Maynila.
Masayang ibinalita ni Mayor Isko ang pagsasara ng kasunduan para sa pagbili ng pamahalaang-lungsod ng 400,000 doses ng Sinovac. Direkta itong binili mula sa mismong gumagawa ng mga nasabing bakuna, ang Sinovac Life Sciences Co., Ltd.
Tumataginting na P298.5 milyon inabot ang kabuuang bayad para sa nasabing 400,000 doses ng Sinovac at sabi ni Mayor Isko, bayad na ito at inaasahan itong dumating bago matapos ang kasalukuyang buwan.
Siyempre pa, di niya nakalimutang pasalamatan si Vice Mayor Honey Lacuna at ang mga miyembro ng konseho sa pangunguna ni Atty. Joel Chua bilang majority floorleader. Malaki kasi ang tulong ng konseho sa paghahanap ng pondo para sa pagbili ng mga nasabing bakuna.
Pinasalamatan din ni Mayor Isko ang Ambassador of China to the Philippines Huang Xilian at gayundin ang pamahalaan ng Beijing, China at ang pamahaalang Duterte dahil sa tulong nito upang makapasok ang Maynia sa contract of acquisition.
Kapag dumating na ang inorder niyang bakuna, umaasa si Mayor Isko na mas mapapabilis ang pagbabakuna ng nakararaming taga-Maynila.
Ito nga palang 400,000 doses na ito ay dagdag lang dahil nauna diyan ay umorder na din si Mayor Isko ng 800,000 doses ng Astra Zeneca na paparating sa buwan ng Setyembre.
Siyempre din, bukod pa sa mga ito ang supply ng bakuna mula sa national government mismo, gaya ng mga ginagamit sa buong Pilipinas sa kasalukuyan.
Bagamat nagpapasalamat si Mayor Isko sa pamahalaan sa pagbibigay ng mga bakuna, nakita daw ng alkalde ang sobrang kagustuhan ng mga tao na mabakunahan na, dahil naguumapaw ang mga tao sa vaccination sites.
Naging epektibo talaga ang kampanya para sa pagpapabakuna na inilunsad ng Moreno-Lacuna tandem ilang buwan pa bago mag-umpisang may mga dumating na bakuna sa bansa.
Tuwing may bakunahan sa Maynila ay pataas nang pataas ang bilang ng nababakunahan ng lungsod sa loob lamang ng isang araw. Ang pinakahuli ay umabot pa ng mahigit 27,000.
Kaya naman kinilala ang Maynila bilang lungsod na pinakamabilis magbakuna sa buong National Capital Region. Panaka-naka pa ang mga bakuna nang lagay na ‘yan. Paano pa kaya kung dumating na ang mga inorder ng Maynila?
Una na naman si Batang Maynila.
Congrats ulit kay Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna at sa mga taga-Maynila.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.
The post Maynila, unang magkakaroon ng sariling mga bakuna appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: