SA gitna ng COVID-19 PANDEMIC ay ang HYPERTENSION o HIGH BLOOD ang pinakamalalang nagreresulta sa kamatayan hinde lamang sa sektor ng mga mayayaman o matatanda kundi maging sa mahihirap na pamilya batay sa mga datos ng PHILIPPINE HEART ASSOCIATION (PHA).
Ang nakaka-alarmang datos na ito ay resulta mula sa PRESYON-4 NATIONWIDE HYPERTENSION SURVEY na isinagawa ng PHA COUNCIL ON HYPERTENSION na kanilang isiniwalat sa PRESS BRIEFING VIA ZOOM at FACEBOOK nitong June 16.., na 37% sa mga matatanda at 5% sa adolescents ang mga hypertensive o mataas ang presyon ng kanilang mga dugo.
Lumalabas na ang hypertension ay hinde na lamang sakit ng mga mayayaman at matatanda dahil dumarami na sa mga murang edad ang nagkakaroon ng high blood…, naku e hinde kaya resulta yan ng kawalang-pera ngayon dahil sa pandemya kaya naaalta-presyon?
Mga ka-ARYA.., ang high blood pressure ay sakit na nakakaapekto sa maraming Filipino na humahantong sa maagang kamatayan na hinde man lamang kakikitaan ng sintomas at sa bagong mga pananaliksik, ang mga taong may high blood o hypertension ay mas peligrong naoospital at nagiging sanhi sa matinding pagkakasakit sa mga virus na maghahantong pa sa COVID-19.
Habang hinde magkandaugaga ang gobyerno sa pagsupil ng pandemya ay ang HYPERTENSION na tinaguriang “SILENT KILLER” ang patuloy na namiminsala na 37% sa hanay ng matatanda (edad 18 pataas) at 5% naman sa mga bata o adolescents (edad 12 hanggang 18) mula sa 111 milyong papulasyon ng ating bansa. Ang Region 1, 2 at 6 ang may pinakamataas na tala ng mga nadadale ng hypertension.
Ang isinagawang PRESS BRIEFING ONLINE ay pinangunahan ni dating PHA PRESIDENT at PHA COUNCIL ON HYPERTENSION CHAIRMAN DR. JORGE SISON na siyang namuno sa PRESYON 4 STUDY (gayundin ng PRESYON 1-3 studies). Naging panelist sina PHA PRESIDENT DR. ORLANDO BUGARIN; dating PHA PRESIDENT DR. AURELIA LEUS; PHA Council on Hypertension Chairman DR. ROBERTA CAWED-MENDE; PHA MyHeart.Ph Editor in Chief DR. DON ROBESPIERRE REYES at ang BROADCAST JOURNALIST na si JING CASTAÑEDA.., at nilahukan ito ng 30 MEDIA PERSONALITIES na kinabibilangan ng inyong lingkod.
Sa datos ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) na iprinesenta ni DR. BEVERLY LORRAINE HO mula sa DISEASE PREVENTION & CONTROL BUREAU…, ang hypertension na non-communicable disease (NCD) ay pang-6 sa nagiging sanhi ng kamatayan sa ating bansa na kahit ang poorest municipalities bukod sa upper class o mayayaman ay apektado nitong SILENT KILLER.
Ang sanhi ng hypertension ay genetic, race, obesity, sodium-rich diet, diabetes, poor lifestyle at ang paninigarilyo na isa sa nangungunang dahilan sa pagkakaroon ng alta-presyon.
“Hypertension is a cardiovascular condition that needs to be seriously managed otherwise; you are a walking time bomb. You can drop dead anytime,” pahayag ni DR. SISON.
“Healthy lifestyle should be a family affair or business. In the case of the 12 to 18 year old patients, treatment/, treatment/management requires the involvement of the parents, older sibling and the caregiver or yaya”, pahayag naman ni DR. LEUS na isang PEDIATRIC CARDIOLOGIST na may sub-specializes sa CARDIAC CATHETERIZATION.
“The lockdown may have challenged everyone’s creativity but the downside is the culture of endless home cooking and eating at home amid pandemic is breeding more problems,” babala naman ni DR. REYES.
Oo nga naman, nang dahil sa LOCKDOWN HEALTH PROTOCOLS ay natetengga ang halos karamihan sa kani-kanilang mga bahay na ang libangan na lang ay pagko-computer, tulog, nood tv programs at kain ng kain habang may mailulutong pagkain.., kadalasa’y nakaupo na lamang, nalimitahan ang galaw ng katawan…, kaya mga ka-ARYA, dapat galaw-galaw rin at mag-ehersisyo para hinde rin tamarin sa pagpintig ang ating puso.., na kung ang inyong blood pressure e magrecord ng 130/80 ay high blood na po kayo niyan!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post High blood pinakamalala sa pandemic! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: