Facebook

Pastor tinodas habang nagba-bibble sharing

PATAY ang isang pastor nang barilin habang nagsasagawa ng bible sharing sa Lake Sebu, South Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Narlito Pandian Tunggay, 31 anyos, may-asawa, pastor ng Community Bible Church na naka-base sa Sitio Lemsu-al 2, Barangay Tasiman, Lake Sebu, ngunit residente ng Barangay Lambuling, T’boli, South Cotabato.

Ayon sa Lake Sebu PNP, binaril ang pastor habang nakaupo malapit sa kanilang kusina at nagba-bible sharing kasama ang kapatid nito.

Sa report, nagtago ang gunman sa madilim na bahagi malapit sa bintana kungsaan naroroon ang biktima.

Nagtamo ng sugat sa mukha at leeg ang pastor na agad binawian ng buhay.

Inaalam pa ng puusya ang motibo ng krimen at ang identity ng salarin.

The post Pastor tinodas habang nagba-bibble sharing appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pastor tinodas habang nagba-bibble sharing Pastor tinodas habang nagba-bibble sharing Reviewed by misfitgympal on Hunyo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.