ISANG Filipino seafarer ang kabilang sa limang crew ng Ghanaian registered tuna-fishing vessel na tinangay ng mga pirata malapit sa Benin, Gulf of Guinea.
Ayon sa UrduPoint report, ang limang dinukot na crew ay kinabibilangan ng 4 Koreano at isang Pinoy.
Sa ulat, isang refrigeration engineer ang dinukot na Pinoy habang kapitan, chief deck officer, chief engineer at boatswains mate ang posisyon ng apat na Koreano.
Noong Martes ay inatake ng mga pirata ang Ghana-registered boat ngunit narekober na ng Ghana navy ang bangka at na-rescue ang ilang crew nito.
Ligtas na umano ang 30 Ghanaian at isang Korean na crew rin ng bangka at nakabalik na sa Tema city at port sa Ghana.
Noong nakaraang buwan nanawagan ang mga major international shipping at maritime company para sa isang koalisyon upang labanan ang piracy sa Gulf of Guinea, kabilang sa lumagda ang Europe, Japan, China at India.
The post Pinoy seafarer dinukot ng mga pirata appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: