UMAKYAT na sa 73 ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa isinagawang food distribution na inorganisa noong Mayo 25 ni dating basketball player ngayo’y District 3 Councilor Franz Pumaren sa Barangay Matandang Balara, Quezon City.
Sa kabuuang bilang, 67 ang nagpositibo sa RT-PCR test habang 6 ang nagpositibo sa antigen test, ayon sa pinakahuling ulat ni Dr. Rolly Cruz ng QC Epidemiology and Surveillance unit.
Maaalalang ipinatawag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si Pumaren sa umano’y paglabag sa health protocol ng food distribution activity na inorganisa nito.
Aabot sa 6,000 ang pumila sa naturang event ni Pumaren.
The post 73 nagka-Covid-19 sa paayuda event ng QC councilor appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
73 nagka-Covid-19 sa paayuda event ng QC councilor
Reviewed by misfitgympal
on
Hunyo 04, 2021
Rating:
Walang komento: