Facebook

Lalaki huling naglilibing ng fetus sa QC

Sa ulat, naaktuhan sa isang madilim na bahagi ng Barangay Greater Lagro ang lalaki, na itinuturo ring ama ng fetus, nitong Huwebes ng gabi.

“Actually ready na niyang ilibing yung bata, may hukay na po,” ani Pritz Archie Salibio, miyembro ng Task Force Disiplina.

Sa tantiya ng mga otoridad, nasa anim hanggang pitong buwan ang fetus.

Ayon sa lalaki, residente ng Caloocan, ang 14-anyos na anak-anakan niya ang ina ng fetus.

Hindi raw niya alam kung saan ito ililibing kaya naghanap siya ng tagong lugar.

Sa report, ang lalaki ang mismong nakabuntis sa kaniyang anak-anakan.

Sasampahan ang lalaki ng ‘intentional abortion’ batay sa pahayag ng kaniyang anak-anakan.

Nasa kustodiya na ng Caloocan Police ang lalaki.

The post Lalaki huling naglilibing ng fetus sa QC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lalaki huling naglilibing ng fetus sa QC Lalaki huling naglilibing ng fetus sa QC Reviewed by misfitgympal on Hunyo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.