POSIBLE nang maidagdag sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 ang mga nagpopositibo sa saliva test.
Sinabi ni PRC consultant Dr. Michael Tee na nagpahayag na ang Department of Health na ang mga positibo sa saliva testing ay isasama na sa national tally ng COVID-19 cases.
Ang saliva testing ay isa sa mga pamamaraan ng pagsusuri laban sa COVID-19 kung saan mas mura kumpara sa RT-PCR test.
Enero naman ng taong ito nang aprubahan ng DOH ang pagsasagawa ng saliva testing ng Philippine Red Cross.
Sa ngayon umabot na sa 365,000 ang naisasagawang saliva testing ng PRC.
Maari na ring gamitin ng local government unit ang saliva testing lalo na sa labas ng National Capital Region na kulang sa molecular laboratory.
Kailangan lamang umanong makipag-ugnayan sa PRC ayon kay Tee sa TeleRadyo.
Ngayong araw umabot na sa mahigit 1.3 milyon ang kaso makaraang madagdagan pa ng halos anim na libong bagong kaso ng naturang sakit. (Jocelyn Domenden)
The post Positibo sa saliva testing isasama na sa national tally ng DOH appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: