Facebook

TITSER AT MISTER PATAY SA AMBUSH

NASAWI ang isang guro at mister nito nang tambangan sa Purok Dos, Barangay Molacaboc, Sagay City, Negros Occidental.

Kinilala ang mga biktima na sina Melanie at Emerlito Desamparado, kapwa 37 anyos.

Ayon kay Lt. Col Albert Sy, hepe ng Sagay City Police Station, sinundo ni Emerlito ang kanyang misis sa pier na nanggaling sa paaralan na tinatrabahuan nito nang tambangan at barilin ito (Emerlito) sa likuran ng kanyang ulo.

Sa report, nakayakap pa ang misis sa mister nang barilin din ito ng mga salarin at natamaan sa kaliwang bahagi ng tiyan. Agad binawian ng buhay ang mag-asawa.

Mayroong tatlong “persons of interest” ang Sagay City Police at subject for paraffin test ngunit wala pa silang testigo.

The post TITSER AT MISTER PATAY SA AMBUSH appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TITSER AT MISTER PATAY SA AMBUSH TITSER AT MISTER PATAY SA AMBUSH Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.