Facebook

Question de pera sa pagpapatupad ng health protocols

KUNG marami sa mga kababayan nating Pilipino ang namimilit sakahirapan ngayong pandemya,may mangilan-ngilan namang grupo o sekto ang namuraot ng kuwarta sa pagsasamantala sa kanilang kapwa.

Mga walang konsensiya at awa sa kanilang mga kababayang hilahod na nga ang estado ng kabuhayan dahil sa nararanasang krisis ay nagawa pang pagkaperahan ang mga ipinatutupad na health protocols.

Numero uno sa mga pinagkaperahan ng malaki ng ilang grupo at sektor ay ang punyetang swab testings.

Sa mga mayayaman,walang keber ito at epekto sa kanila ngunit para sa mga ordinaryong Juan dela Cruz,halos katumbas ito ng isang linggo nilang budget sa pagkain, para maatim pa ng mga indibidwal na ito na agawan ng malalamon ang kanilang kapwa ay di isang biro.

Garapal ito at isang malaking kawalanghiyaan.

Noong magbiyahe tayo ng Bicol para makiray sa isang kamag-anakang namatay,personal nating naranasan ang mga ganito kagarapal na diskartehan ng mga kapulisan at mga tauhan ng LGUs na nagmamando ng checkpoints sa boundary ng Camarines Norte at Albay.

Kinuwestiyon natin noon ang mga pulis kung bakit kailangang sa mga private testing centers pa gawin ang swab testing gayong may swab testing naman ang Albay provincial government. Ang antigen o saliva testing ay nagkakahalaga umano ng 1000 pesos.

Dahil disoras ng gabi at ayaw na rin nating maabala pa, kahit napipilitan ay tumalima na rin tayo.

Ngunit laking gulat natin na yung mga kasamahan din natin mula Manila na pupunta rin sa burol lulan ng pampasaherong van ay siningil ng doble sa parehas ding swab testing.

Sonabagan!

Mapapamura ka talaga sa pagiging tuso sa kuwarta na nagmamando ng checkpoint.
Pandemya na nga,nanghahahambalos pa at nananaga ang mga hinayupak na pulis na ito.

Di bale sana kung mayayaman ang kanilang mga hinahataw!
Eh ang kaso nga,mga kapwa rin nila maglulupa ang kanilang kinakana!

Minsan naman,mamili naman kayong mga pulis ng kokotongan.Batid na naman ng taongbayan na second nature nyo na ang mangotong at talagang nakabaon na yan sa inyong mga pagkatao.

Wag naman lahat ay sinasalakab nyo! Matindi karma diyan na posible sa mga mahal nyo sa buhay tumama sa halip na sa inyo mismo mga hindot!

Isa pang anggulo ng pangongotong sa ating mga kababayan ay mula naman sa grupo ng mga public hospitals partikular na sa NCR.

Yung paniningil ng Php 4500 sa mga ina-admit na pasyente. Patakaran daw ng ospital ito ayon sa health protocols ng IATF at ng gobeyerno.

Mga putang ina nyo! Kinokotongan nyo na nga ang mga tao,gusto nyo pang paikutin at bilugin ang ulo.

Literal na ngang nagpapakagago ang mga tao ma-admit lang sa ospital ang kanilang may karamdamang nahal sa buhay.

Alam naman ng mga kababayan natin na winawalanghiya nyo na sila at pineperahan,wag na kayong magmalinis at maglubid pa ng kasinungalingan at boladas.

Ang malala sa inyo na may-ari at administrador ng mga ospital,alam nyo ng wala kayong available na kuwarto pa sa mga pasyenteng sinu-swab test nyo for purposes of admission pero hala sige lang kayo.

At hanggat nabuburo sa waiting area ang pindehong pasyente sa pag-aantay ng silid,wala silang kamalay-malay na may panibago kayong raket na kakanain.

Kasi po,isang linggo lang ang validity ng swab test.

After a week need ulit ng pasyente na i-swab ulet dahil ito raw ang requirement sa protocol.

So tumataginting na naman Php 4500 mula sa bulsa ng pasyente.

Di lumalabas talagang meztisong holdap na ang nangyayari sa mga public hospitals natin!

Malaking kaululan ang mga nagaganap.

Bago pa ang pandemic na ito,ilan na nga ba sa mga bulok na ospital na ito ang planong magsara dahil puro daga na lamang at ipis ang nasa kanilang mga semi-pribadong pagamutan?

Kung di iisa na lamang ang duty doctor ng mga bulok na ospital na ito,nurse na lamang ang nakaduty at sa telepono na lamang sinasangguni yung doktor dahil wala ng budget pangpasuweldo.

Pasalamat kayo sa Covid-19 at nailigtas ang mga bulok nyong ospital sa tuluyang pagsasara.

Ngayon naman,sinasamantala nyo ang ating mga kababayang nagkakasakit!

Kakarmahin din kayo.

What moves around,comes around tandaan nyo ‘yan!

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Question de pera sa pagpapatupad ng health protocols appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Question de pera sa pagpapatupad ng health protocols Question de pera sa pagpapatupad ng health protocols Reviewed by misfitgympal on Hunyo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.