Facebook

Bong Go: Babalik tayo sa nomal kung magpapabakuna

MULING iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go na magbabalik lamang sa normal ang lahat sa bansa kung ang bawat isa ay magpapabakuna laban sa COVID-19.

Ginawa ni Sen. Go ang pahayag sa harap ng 200 benepisyaryo na kinabbilangan ng senior citizens at persons with disabilities na dinalaw ng kanyang grupo para mamahagi ng ayuda sa Hinunangan, Southern Leyte.

“Magandang araw po sa inyong lahat, mga kababayan ko. Kumusta po kayo? Sana po’y nasa mabuti kayong kalagayan. Alam ko pong mahirap ang ating sitwasyon sa ngayon, nasa gitna pa po tayo ng krisis na dulot ng COVID-19,” sabi ni Go sa kanyang video message.

“Mga kababayan ko, magtulungan lang po tayo. Sino ba namang magtutulungan kung hindi tayo lang po, kapwa nating mga Pilipino. Magbayanihan po tayo, magmalasakit po tayo sa ating kapwa Pilipino,” idinagdag ng senador.

Binanggit ni Go na ang essential sectors na kabilang sa A4 category, gaya ng economic frontliners ay sinisimulan nang bakunahan kaya ipinaalala niya lalo sa mga nasa priority groups, kinabibilangan ng seniors at PWDs na hindi pa nababakunahan na huwag sayangin ang oportunidad na mabigyan ng proteksyon laban sa virus.

“Habang unti-unting dumarating ang mga bakuna, at itong mga bakunang ito ay pinaghirapan po natin kaya magpabakuna po kayo. ‘Pag nandiriyan na po kayo sa priority list, magpabakuna na po kaagad kayo,” ni Go.

“Ang bakuna po ang susi o solusyon upang unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay. Magtiwala ho kayo sa bakuna, huwag ho kayong matakot sa bakuna. Matakot ho kayo sa COVID-19. Ang bakuna po ang susi at solusyon para unti-unti na nga po tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay katulad po noon kung saan po mayakap natin ang ating kapwa Pilipino,” iginiit ng senador.

Hinati sa grupo sa Hinunangan Covered Court, namahagi ang tangapan ni Go ng iba’t ibang tulong sa mga residente roon na hirap pa ring makabangon dulot ng pandemya.

Umayuda rin ang Department of Social Welfare and Development na nagbigay ng financial assistance habang ang Department of Trade and Industry ay nagkasa ng programang pangkabuhayan. Ang Technical Education and Skills Development Authority ay nagkaloob naman ng scholarships sa mga kuwalipikadong recipients.

Ipinaalala ni Go sa mga benepisyaryo na manatiling nakaalerto at palaging sumunod sa health preventive measures laban sa COVID-19.

“Kung hindi naman po kailangan, huwag munang umalis ng pamamahay dahil delikado pa po ang panahon. At importante po mask, face shield, social distancing, at hugas po ng kamay,” ipinaalala ni Go.

“Ingat po tayong lahat. Mga kababayan ko, magdasal po tayo parati. At tandaan po natin, minsan lang po tayo dadaan sa mundong ito. Kung ano pong kabutihan o tulong na pwede nating gawin sa ating kapwa Pilipino ay gawin na po natin ngayon dahil hindi na po tayo babalik sa mundong ito.”

“Kami po ni Pangulong Duterte ay patuloy ho kaming magseserbisyo sa inyo. Dahil para po sa amin, ang serbisyo po sa tao ay serbisyo po ‘yan sa Diyos,” anang senador.

The post Bong Go: Babalik tayo sa nomal kung magpapabakuna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: Babalik tayo sa nomal kung magpapabakuna Bong Go: Babalik tayo sa nomal kung magpapabakuna Reviewed by misfitgympal on Hunyo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.