“NOT guilty plea” ang ipinasok ng korte sa isinagawang arraignment o pagbasa sa kaso nina Rappler CEO Maria Ressa at ang reporter na si Rambo Talabong ngayong araw.
Ito ay matapos na hindi magpasok ng ‘plea’ si Ressa at Talabong sa kinakaharap nilang kasong libel sa Manila Regional Trial Court Branch 24.
Matatandaan na naghain ng libel ang dating professor ng Saint Benilde na si Ariel Pineda laban kina Ressa at Talabong.
Sa balitang nailathala ng Rappler, hinggil sa umanoy “thesis for sale” o kurapsyon sa CSB kung saan ang mga estudyante ay nagbayad daw ng P20,000 upang makapasa sa thesis subject.
Kapwa nakadalo sa pagbasa sina Ressa at Talabong pero hindi sila ang nagpasok ng plea kaya ang korte na ang nagpasok na “not guilty plea” para sa kanila.
Kapwa nakatanggap ng arrest warrants sina Ressa at Talabong at nakapag-piyansa lamang para sa pansamantalang kalayaan.
Nabatid na ito ang ika-sampung arrest warrant ni Ressa, habang una ni Talabong.(Jocelyn Domenden)
The post Rapper CEO Ressa ‘di nagpasok ng plea sa kasong libel appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: