Facebook

Sapul sa CCTV: Coffee shop nilooban ng 4 menor de edad

SAPUL sa CCTV ang pagpasok ng apat na menor de edad na naka-face mask sa isang coffee shop sa Jacinto Extension, Davao City Martes ng madaling araw.

Makikita sa CCTV ang pag-flashlight ng mga magnanakaw sa paghahanap ng mananakaw. Binuksan ang mga drawer at cash register, hanggang sa nalimas nila ang tatlong cellphone at kita ng coffee shop.

Ayon sa may-ari na si Zeny Martin, sinira ng mga magnanakaw ang padlock sa pinto kaya nakapasok, at hindi napansin ng gwardya na nakaidlip sa panahong iyon.

Kinaumagahan, nakilala ng mga pulis ang apat na menor de edad at narekober ang dalawa sa tatlong cellphones.

Ayon kay Martin, sinabihan sila ng pulisya na notoryus na miyembro ng “akyat-bahay” ang mga nanloob sa coffee shop.

Nakatakdang ikustodiya sa Department of Social Welfare and Development (DSWS) ang mga menor de edad.

Nangyari ang krimen sa kabila ng curfew na ipinatutupad sa lungsod.

The post Sapul sa CCTV: Coffee shop nilooban ng 4 menor de edad appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sapul sa CCTV: Coffee shop nilooban ng 4 menor de edad Sapul sa CCTV: Coffee shop nilooban ng 4 menor de edad Reviewed by misfitgympal on Hunyo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.