Facebook

Seafarers binakunahan, inayudahan ni Bong Go

PERSONAL na sinaksihan ni Senator Christopher “Bong” Go ng vaccination rollout sa Filipino seafarers sa Intramuros, Manila kasabay ng pamamahagi niya sa mga ito ng karagdagang ayuda.

Sa distribution activity na isinagawa sa Associated Marine Officers and Seamen’s Union of the Philippines (AMOSUP) Building, umaabot sa 550 seafarers ang binigyan ng libreng pagkain at food packs mula sa tanggapan ni Sen. Go.

Iginiit ni Go sa seafarers, lalo sa mga hindi pa nababakunahan na magpabakuna na, upang maprotektahan hindi lamang ang mga sarili kundi maging ang kanilang pamilya at komunidad laban sa COVID-19.

“Dapat magpabakuna na kayo. Kaya po hinihikayat ko ‘yung mga kababayan natin kung mahal niyo po ang inyong mga pamilya, mahal niyo po ang inyong mga anak, dapat po protektado kayo ng bakuna. Ang bakuna lang po ang tanging solusyon o susi para unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay,” ani Go.

Idinagdag niya na nagtatrabaho nang maigi ang gobyerno para makabili nang mas marami pang bakuna para sa mga Filipino.

“Ang amin po dito, gusto namin protektahan niyo po ang mga seafarers kaya pinaglaban natin, along with Secretary (Carlito) Galvez na malagay po kayo sa priority list kasi po kayo ‘yung napapalayo dito sa ating bansa para magtrabaho, kaya dapat protektado kayo,” sabi ni Go.

“Huwag niyo pong sayangin ang bakuna dahil pinaghirapan po ito ng gobyerno,” idinagdag ng senador.

Ipinaalala ng mambabatas sa mga magdaragat na patuloy na sumunod sa health protocols para maprotektahan ang mas nakararaming populasyon hanggang sa marating ng bansa ang herd herd immunity.

“May pag-asa tayo, pero ‘yung pag-asang ‘yan nakasalalay po sa atin, sa kooperasyon po ninyo. Kaya magpabakuna na po kayo. ‘Yun lang po ang pakiusap namin ni Pangulong (Rodrigo) Duterte. Ako naman po bukas ang aming opisina para po sa inyong lahat, magtulungan lang po tayo.”

“Isipin niyo na rin po habang nagbabakuna kayo, huwag kayo maging kumpyansa. Mask, face shield pa rin. Napatunayan naman natin kapag naka mask ka, 85 porsyento (protektado ka). Ngayon nire-require ni Pangulong Duterte ang face shield dahil may Delta variant. ‘Pag medyo hindi na ganun ka delikado ‘yung Delta variant, maaaring magbago po ang kanyang desisyon. Pero tandaan ninyo, lahat po ng desisyon ng ating mahal na Pangulo ay para po ‘yan sa interes at kapakanan ng bawat Pilipino,” paniniyak ni Go.

The post Seafarers binakunahan, inayudahan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Seafarers binakunahan, inayudahan ni Bong Go Seafarers binakunahan, inayudahan ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Hunyo 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.