
MAY 6,871 bagong kaso ng covid 19 na naitala ang Department of Health (DOH).
Kaugnay nito, umabot na sa 1,391,911 ang kabuuang kaso ng covid 19 sa bansa.
Pero sa bilang na ito, 53,447 lamang ang aktibong kaso.
May 8,720 lamang naitala na bagong gumaling mula sa virus.
Sa ngayon ay umabot na sa 1,314,220 kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa covid 19 dito sa bansa.
May naitala namang 92 bagong nasawi dahil sa virus.
Sa ngayon umabot naman na sa 24,244 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa covid 19. (ANDI GARCIA)
The post 6,871 na dagdag kaso ng Covid-19, naitala appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
6,871 na dagdag kaso ng Covid-19, naitala
Reviewed by misfitgympal
on
Hunyo 26, 2021
Rating:
Walang komento: