
Patay ang isang retiradong pulis nang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin sa Consolacion, Cebu, Biyernes ng hapon.
Kinilala ang biktima na si retired Police Chief Master Sergeant Michael Rivera Ermie, 46, at residente sa District 1, Barangay Pulpogan, lungsod sa Consolacion.
Sa report ng Consolacion Police Station, 4:00 ng hapon nang maganap ang krimen ilang metro ang layo sa tahanan ng biktima.
Ayon sa ulat, kalalabas lamang ng biktima mula sa kanyang bahay sakay ng motorsiklo upang bumili sa tindahan.
Subali’t hindi pa man nakakalayo ang biktima ay agad na itong pinaulanan ng bala ng baril ng mga salarin sa iba’t ibang parte ng katawan ng naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga salarin sa hindi malamang direksyon.
Inaalam na ng mga otoridad ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga salarin.
The post Retiradong pulis patay sa pamamaril appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: