“Ang ibinibigay na parangal ng Asia Pacific Luminare Award ay hindi basta- basta.. Kailangang ipakita ang sipag, makabuluhang serbisyo sa kapwa at integridad”! Iyan ang binigkas ni Rey Junio, Sec. General ng Barangay Councilors of the Philippines
Ayon kay Junio, umabot sa siyam na beses na nagsagawa ng National Convention sa Luzon, Visayas at Mindanao na dinaluhan ng matataas na leaders ng bansa.
Taong 2014 ng mahalal na National President of Barangay Council League of the Phils. at dito na niya sinimulan ang kahalagahan ng samahan na nakarating sa Senado, Kongreso, DILG – National at Malacanañg at kinilala si Junio.
Dito rin siya sinuportahan ni Usec Martin Diño na naniniwala sa kanyang kakayahan.
Nakapagsumite si Junio ng 10- point Agenda o ang Magna Carta ng Barangay Constitution of the Phils. kung saan ipinaglaban nito ang mga benepisyo ng lahat ng barangay officials ng bansa na sinuportahan at inisponsoran ni Sen. Bongbong Marcos sa ilalim ng House Bill #12.
Una sa Panginoon, nagpaabot ng pasasalamat ang “Man of influence, at outstanding public servant kina Sen. Sherwin Gatchalian, Valenzuela City Mayor Rexlon Gatchalian, Cong. Wes Gatchalian, sa lahat ng opisyales ng BCLP, sa Maximun Fuel Phil. sa mga taga Pangasinan at sa Junio Family na sa simula pa lamang nasa kanyang tabi upang tulungan at suportahan ang kanyang mga adhikain.
Pinasalamatan din ang lahat ng nagtiwala at nagbigay sa kanya ng karangalang ayon sa kanya ay hindi malilimutan habang siya ay nabubuhay.
The post Sec. Gen Junio, wagi sa 4th Asia Pacific award sa Okada, Manila appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: