Facebook

SUBIC INTERNATIONAL TRIATHLON BABALIK NA SA AKSIYON

MATAPOS ang mahabang panahon ng pagkatengga na halos magdadalawang taon dahil sa pandemya, babalik sa sa aksiyon ang larangan ng international triathlon sa Subic na aarangkada sa huling bahagi ng kasalukuyang taong 2021.

Ayon kay Triathlon Association of the Philippines( TRAP) president Tom Carrasco, Jr.,ang NTT AST Subic Bay International Triathlon( Su BIT)2021 ay raratsada na sa aksiyon sa Setyembre 19, 2021 sa Subic Bay Freeport , Zambales.

May nakalaang 177 slots sa mga lalahok na dayuhan at local triathletes na magtatagisan sa swim-bike-run standard at international category event ng prestihiyosong triathlon na isa ring Olympic sport.

Muling masasaksihan ang mga pambatong international triathletes na bibigyan naman ng maigting na challenge mula local bets partikular ang mga national men and women elite pool members.

Yes, after a long 16 months of lull in sports due to pandemic, international triathlon will finally race back into action in Subic this coming September.We welcome all foreign ang local triathletes”, pahayag ni Carrasco sa kaganapang may basbas ng Asian Triathlon (AST)at International Triathlon Union(ITU).

Nagpaabot din ng pasasalamat si Carrasco sa IATF sa pagkakaloob ng kaukulang permiso sa pagbalik- aksiyon ng triathlon sa bansa.(Danny Simon)

The post SUBIC INTERNATIONAL TRIATHLON BABALIK NA SA AKSIYON appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SUBIC INTERNATIONAL TRIATHLON BABALIK NA SA AKSIYON SUBIC INTERNATIONAL TRIATHLON BABALIK NA SA AKSIYON Reviewed by misfitgympal on Hunyo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.