Facebook

ALVIN PATRIMONIO, PASOK SA PULITIKA

TATAKBONG mayor ng Cainta si PUREFOODS caging iconALVIN ‘The Captain Lion Heart” PATRIMONIO? Nakumbinsi na raw ang heCaptain” ng PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION at newly retired team manager ng PUREFOODS AGNOLIA HOTSHOTS para malinya kina Bulacan Mayor VERGEL ‘The VOYAGER” MENESES, naging San Juan Vice Mayor PHILIP CESAR, Pasig Vice Mayor YOYONG MARTIREZ, Caloocan Vice Mayor TITO VARELA, PBAveteran-Olympian/Mandaluyong Councilor NARCISO ‘CISO’ BERNARDO, Pasig Councilor ATOY CO, Antipolo Councilor FREDDIE HUBALDE, Cebu Councilors ELMER ‘BOY’ CABAHUG at DONDON ONTIVEROS, and Pasig Congressman ROBERT ‘DODOT’ JAWORSKI, JR, topped by Senators FREDDIEWEBB and ROBERT ‘JAWO’ AWORSKI, et al.

‘Greatest power forward’ na itinuturing ng Bayang Basketbolista si PATRIMONIO at ibinabahagi niya lang ngayon sa young cagers ang husay at championship experiences. Malaki raw kasi ang maitutulong ng isang pulitikong atleta sa isang pamumunuang lugar, local man o national, timing naman na last term na ni Cainta Mayor JOHNIELLE KEITH P. NIETO.

Pormal na nagretiro sa HOTSHOTS ang dating player ng MAPUA CARDINALS kung saan naging Most Valuable Player siya kahit di nagkampeon noon ang team. Hawak din niya ang 4-time MVP title sa PBA at nakakuha ng 5 championships. Tinawag ding “IRON MAN” dahil sa kaibang husay bilang manlalaro kaya hindi siya pinakawalan ng PUREFOODS at inilagay sa team officials slot. Madaling nakuha ng showbiz si ALVIN. Kabilang sa mga nagawa niyang pelikula ang “Dobol Dribol” at “ Last Two Minutes ”. Naging ‘love interest’ din ito ng pamosong aktres/TV Host na si KRIS AQUINO kaya lalong sumikat si ‘The Captain”.

Sa Oktubre pa ang filing of candidacy kaya marami naang pumoporma sa mga public servant-wanna be’s. Kung tuloy na angpolitical journey ni ‘The Captain”, asahan po nating madadagdagan angbilang ng mga maka-Diyos, (Born Again Christian siya) at responsableng lider. Abangan po natin!

BAKUNADONG ATHLETES, COVID VICTIMS PA RIN

BAKUNADO ng 1st and second dose, tinamaan pa ng sakit sina CHRIS PAUL ng PHOENIX SUNS at US Open Champion JOHN RAHM kasama pa ang isang Olympic Coach ng Uganda. Aminado ang pamunuan ng Sports officials, walang makasisiguro na ‘ZERO” ang covid case sa teams na papasok mula sa iba’t-ibang bansa.

We all know that despite the vaccine, there are possibilities of still getting positive with the virus. However, youare a lot safer compared to non-vaccinated individuals. We have nothing to worry about as long as you take proper precautions and there will only be a small chance of getting severe symptoms,’ pahayag naman ni Atty, WHARTON CHAN, Chief Legal Counsel/Legal Affairs Commission Chairman ng PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE (POC). Marami tuloy atubiling magpabakuna kung di pala garantisadong ligtas at prone pa rin sa Covid, igiit man ang consolingwords na ‘at least may laban”. Kaya mabagal ang vaccination program dahil wala ngang naimbentong gamot mismo, wala pang guarantee ang bakuna. Natatatanaw pa rin ba ang pag-asa na babalik tayo sa ‘normal NORMAL’? Anupaman, let’s just keep our faith in the Good Lord. HAPPYREADING!

The post ALVIN PATRIMONIO, PASOK SA PULITIKA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ALVIN PATRIMONIO, PASOK SA PULITIKA ALVIN PATRIMONIO, PASOK SA PULITIKA Reviewed by misfitgympal on Hunyo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.