KUMAYOD ng todo si Lou Williams na kumamada ng 21 points at eight assists habang pansamantalang humalili sa puwesto ng injured star Trae Young upang tulungan ang Atlanta Hawks na iposte ang 110-88 wagi laban sa bisitang Milwaukee Bucks kahapon at ipantay ang Eastern Conference finals sa 2-2.
Bogdan Bogdanovic kumana ng anim na three pointers habang nagdagadg ng 20 points para sa fifth-seeded Hawks.
Habang nakaupo si Young sa Game 4 na may bone bruise sa kanang paa, ang third-seeded Bucks ay nawala rin ang kanilang star na ang two-time NBA MVP Giannis Antetokoumpo ay na injured ang kaliwang tuhod sa third quarter at hindi na bumalik.
Si Antetokoumpo ay umiskor ng 14 points at eight rebounds sa 24 minutong aksyon bago lumabas sa 7;14 nalalabi sa third period.
Ang Game 5 ay sa Huwebes ng gabi sa Milwaukee.
Clint Capela umiskor ng 15 points para sa Hawks bago umalis sa 3;28 natitirang oras sa fourth matapos masiko ang kanyang ilong ni Milwaukee Sam Merill. Kevin Huerter umiskor ng 15 points para sa Atlanta.
Jrue Holiday nagrehistro ng 19 points at nine assists,habang si Khris middleton nag-ambag ng 16 points at eight rebounds para sa Bucks.
The post NBA: Hawks vs Bucks tabla 2-2 sa East finals appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: