Facebook

Laban… Manny!

TALAGANG fighter itong si Senador Manny Pacquiao. Walang inaatrasan, gaano man kalaki ang ka-laban sa ring o politika, laban!!!

Oo! Dalawang laban ang pinaghahandaan ngayon ni Pacquiao, ang laban sa ibabaw ng ring sa batang undefeated world champion na si Spence sa Agosto 2021, at ang laban sa mga trapong politiko sa Mayo 2022.

Habang todo training si Pacquiao para sa inaasahang brutal na laban sa bata at malaking si Spence, binobomba naman siya ng mga posibleng makakabangga sa Presidential derby sa 2022.

Ang matindi rito, mismong Presidente ng bansa, si Rody Duterte, ang ka-word war ngayon ng eight-division champion na Senador Pacquiao.

Anak kasi ni Pres. Duterte ang posibleng isa sa mahigpit na makakalaban ni Pacquiao sa pagka-pangulo, si Davao City Mayor “Inday” Sara Duterte-Carpio.

Nagsimula ang palitan ng maaanghang na salita nina Duterte at Pacquiao nang magbigay ng malupit na reaksi-yon ang Senador tungkol sa nakakabinging pananahimik ng Presidente sa isyu ng West Philippine Sea, kungsaan sinabi ni Pacquiao na iba ang ginagawa ngayon ni Duterte kesa sinabi noong nangangampanya noong 2016 tungkol sa pananakop ng China sa karagatan ng Pilipinas sa WPS.

Dito’y kinutya ni Duterte ang edukasyon ni Pacquiao. Mag-aral daw muna ito ng foreign policy bago magsalita sa isyu sa WPS.

Sumagot naman si Pacquiao na araw-araw siyang nag-aaral at ang sinasabi aniya’y ang damdamin ng mamama-yan.

Tapos pinuna ni Pacquiao ang grabeng korapsyon sa gobyernong Duterte. Tatlong doble raw kumpara sa mga nagdaang administrasyon.

Hinamon ni Duterte si Pacquiao na maglabas ng lista-han ng mga ahensiya na may talamak na katiwalian at siya na raw ang bahala sa loob ng isang linggo. Kung wala aniyang mailabas na listahan si Pacquiao, ikakampanya niya ito na huwag iboto sa 2022 dahil isa itong sinunga-ling. Aray ko!

Kumasa si Pacquiao sa hamon ni Pangulong Duterte. Binanggit agad ang Department of Health (DoH) na numero uno sa korapsyon. Napakalaki na raw ng inutang go-bierno para sa PPEs at bakuna, pero ‘di malaman kung saan napunta.

Sinabi pa ni Pacquiao kay Duterte na: “Mawalang galang po mahal na Pangulo, ngunit hindi ako sinunga-ling. May mga naging pagkakamali ako sa buhay na aking itinuwid at itinama ngunit dalawang bagay ang kaya kong panghawakan. Hindi ako tiwali at hindi ako sinungaling.”

Sa pagitan nina Duterte at Pacquiao, mas naniniwala ako sa boksingerong-politiko.

Totoo, kulang si Pacquiao sa edukasyon. Hindi siya nakatapos ng regular high school dahil nga sa kahirapan ng kanilang buhay. Pero sinikap niyang matoto sa pag-enroll sa mga short cut education sa mga kilalang unibersidad sa bansa at sa Estados Unidos. Nakikipagdebate na nga siya kay Sen. Drilon. Hehe… Tsampyon narin siya sa mga salita ng Biblia. Oh ‘di ba?

Naniniwala ako na hindi sinungaling at ‘di korap si Pacquiao. Ang kanyang bilyones ngayon ay pinaghirapan niya sa pagbo-boksing. Buhay ang pinuhunan niya rito, hindi tulad ng ilang politiko na biglang bilyonaryo dahil sa pangungulimbat sa kaban ng bayan.

Ang inaabangan ko pang hamon ni Duterte kay Pacquiao ay suntukan. Hehe…

Anyway, dapat munang tutukan ni Pacquiao ang laban kay Spence. Pag na-knockout niya si Spence tiyak isisigaw ng masa ang “President Pacquiao 2022”. Laban Manny!

The post Laban… Manny! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Laban… Manny! Laban… Manny! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.