Matinding galit umano sa kanyang superior officer ang nagtulak sa napatay na pulis para maghurumentado at mag-ala Rambo sa loob ng Manila Police District Headquarters.
Ayon sa nasabing version,bagman umano ni MPD Director Gen. Leo Francisco ang naghurumentadong pulis na si PEMs Reynante Dipasupil na nakatalaga sa MPD DPIOU.
Sa police parlance,ang ibig ipakahulugan sa salitang ‘ bagman’ literaly ay kolektor ka ng tong o intelihensiyan ng opisyal mo.
Taga kolekta ka ng regular na payola ng amo mo!
In this particular incident according to some social media versions,bagman ni Gen.Francisco itong pulis na si Dipasupil.
Again,nililinaw ko lamang po,social media version po ito na nagviral at di po personal natin bersyon ng istorya.
Nagkaroon po umano ng pagtatalo si Gen.Francisco at ang pulis na ai Dipasupil noon nasabing gabi bago ang pamamaril.
Sa narrative account sa social media,may nasagasaan umano si Dipasupil sa mga alagang 1602 operations na ‘pasok’ kay Gen.Francisco kung kayat sinabon ng husto si Dipasupil.
Nauwi umano sa matinding pagmumura ni Francisco ang pagsabon sa pulis na labis na ikinapahiya nito sa iba pang kasamahan nitong na naroroon at nakakarinig sa mga nangyayari.
Ayon naman sa ating mga nakalap na impormasyon sa loob ng MPD,sadyang ugali na ni Gen.Francisco na murahin nang todo todo ang kanyang mga pulis tuwing nagagalit ang opisyal.
Going back sa social media version ng pag-aamok ni Dipasupil,posibleng sa matinding pagkapahiya ng pulis kung bakit na-trigger ang kanyang pagra-Rambo at shooting spree na ikinamatay ng kapwa niya pulis na si PEMS Romeo Cantal at pagkakasugat kay PMSgt Reynaldo Cordova.
Malayo ang bersyon sa social media mula sa mga naglabasang balita sa dyaryo at telebisyon.
Sa mga lumabas na reports sa TV at pahayagan,wala sa kanyang tanggapan si Gen.Francisco nang maganap ang pagwawala ni Dipasupil.
Pero sa version sa spcial media,tumakbo umano papasok ng kanyang opisina si Francisco nang pagbabarilin ni Dipasupil sa corridor ng MPD sa 2nd floor ng nasabing headquarters.
Ano nga ba ang totoo sa nasabing dalawang bersyon?
Sa atin pananaw,kailangang i-relieved ni Gen.Guillermo Eleazar si Gem.Francisco bilang director ng MPD kung nais nating lumutang ang buong katotohanan sa nasabing madugong pangyayari.
Walang gagong pulis ang tetestigo at magsasabi ng katotohanan kung nananatiling nakaupo ang mga opisyal na sangkot at puno’t dulo ng gulo.
Dalawang buhay ang nabuwis at matinding kahihiyan at iskandalo sa imahe ng PNP ang idinulot ng nangyaring insidente kung kayat dapat lamang gawin ni Gen.Eleazar ang lahat para sa katotohanan.
Wala po sanang white wash na maganap sa gagawing imbestigasyon.
CIDG o NBI ang magsagawa ng imbestigasyon upang malaman ng publiko ang mga tunay na kaganapan sa nangyaring pamamaril.
Ano nga bang mga rason kung bakit humantong sa madugong paghuhurumentado ng pulis na si Dipasupil ang nagtrigger sa kanya.
Totoong lasing nga ba si Dipasupil o na-freak out lamang talaga sa biglaan at matinding galit?
Ang ugat ba ng lahat ng ito ay tungkol sa PAYOLA sa sugal o 1602?
Mga bagay na dapat tuklasin at alamin ni Gen.Eleazar para sa kalinawan ng publiko.
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Social media version ng barilan sa MPD appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: