Facebook

Mabilis na internet,isa sa pamana ng Duterte Admin

KABILANG ang Build-build-build, Education (tulad ng free college tuition), Peace and Order, at Strong Leadership sa mga tinitingnan na maaaring maging pamana ni Presidente Rodrigo Duterte sa pagtatapos ng kanyang panunungkulan sa 2022.

Puwede rin sigurong isama sa legacy ni Duterte ang mabilis na internet connectivity.

Sa pagsisimula ng COVID-19 pandemic noong March 2020, tumaas nang hanggang 500% ang internet demand. Nauso ang work-from-home arrangements at virtual learning sa mga paaralan, at mas tumindi ang online buying and selling. Maraming MSMEs ang dumepende sa internet para maipagtuloy ang operasyon at may mga netizen naman na nagbabad sa Netflix at Prime Video. Nakaya naman natin ang mahirap na sitwasyon at nakapag-adjust agad tayo.

Ito’y dahil na rin sa mabilis na internet sa buong panahon ng total lockdown at iba’t ibang quarantine status na ating pinagdaraanan. Nitong May 2021, nasa 58.73 Mbps na ang average download speed ng fixed broadband habang nasa 31.97 Mbps naman ang mobile internet. Base mismo ito sa pinaka-latest report ng Ookla na kinikilalang global leader sa mobile and broadband network intelligence.

Nilalaman pa ng report na pang-65 na ang Pilipinas sa 180 bansa sa fixed broadband habang pang-77 na tayo sa 130 bansa pagdating sa mobile internet. Pero pang-17 na tayo sa 50 bansa sa Asia pagdating sa fixed broadband habang pang-23 naman tayo sa mobile internet.

Paano nga ba nangyari ang todong pagbilis?

Nag-umpisa ito nang mapagsabihan ni Presidente Rodrigo Duterte sa kanyang 2020 SONA ang mga nangungunang telecommunications company sa bansa na ayusin ang kanilang serbisyo sa Filipino consumers.

Pero nabuking naman sa mga pag-iimbestiga ng Senado at Kamara na gustuhin man ng Globe at Smart na humataw sa pagtatayo ng mga telco infrastructure ay hindi pala puwede dahil binabarahan sila ng red tape sa lokal na pamahalaan.

Ang lumilitaw sa pagbubisi ng mga senador at kongresista, nagiging gatasan daw ng mga tiwali sa mga lokal na pamahalaan ang pagharang sa mga permit na hinihingi ng mga telco para sa paggulong ng konstruksiyon ng mga cellular tower at iba pang imprastruktura tulad ng fiber optic network.

Binuwag ni Duterte ang sinasabing sindikato sa mga city hall at munisipyo sa iba’t iba lugar sa bansa. Kulong sila kapag hindi nila ginawa. Dahil dito, na-streamline at naging mabilis ang proseso ng paglabas ng LGU permits. Noong buong 2020, nasa 6,451 ang naisyung LGU permits at nasa 2,789 na simula January-April 2021. Sa kasalukuyan, mayroon nang kabuuang 24,614 cellular towers. Nasa 10,941 dito ang sa Globe, 10,433 sa Smart, at 3,240 sa DITO.

Lumalabas na nakatulong din ang pagpayag ni Duterte na makapasok ang DITO bilang 3rd telco player dahil mas naging masigla pa ang kompetisyon sa industriya at todo-todo sa paggastos ang mga telco player para tapatan ang isa’t isa at makuha ang ang malaking bulto ng telecoms market.

Simula nang maupo ang administrasyon noong 2016 tumaas nang 523.38% ang average download speed ng fixed broadband habang 291.40% naman ang itinaas ng mobile internet.

The post Mabilis na internet,isa sa pamana ng Duterte Admin appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mabilis na internet,isa sa pamana ng Duterte Admin Mabilis na internet,isa sa pamana ng Duterte Admin Reviewed by misfitgympal on Hunyo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.