Facebook

Suporta ng PDP-Laban sa NTF-ELCAC pangtapos sa insureksiyon

NITONG nakaraang linggo, nagkatipon-tipon ang mahigit sa 100 miyembro ng partidong PDP-LABAN upang balangkasin ang mga posisyon nito di lamang sa politika kung di pati sa mga isyung bumabalot sa bansa.

Isa sa pumukaw sa akin sa pulong na iyon ay ang pagbato ng naturang partido ng todo-suporta nito sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflicr (NTF-ELCAC) upang labanan ang panawagan na buwagin ito o kaya naman ay pilayan at tapyasan ang pondo ng task force na siyang makakaapekto sa Barangay Development Program (BDP) na pangunahing paraan ng pamahalaan para tapausin na ang paghahari-harian ng komunistang-teroristang samahan ng Communist Party of the Philippines, New people’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sa pamamagitan ng isang resolusyon ng partido inihayag ang suporta ng mga kasapi sa PDP-LABAN gaya nila Senador Ronald “Bato” dela Rosa, Francis Tolentino, Speaker Lord Allan Velasco, Secretary Alfonso Cusi, Wendell Avisado, Sonny Dominguez, MMDA Chairman Benhur Abalos, ULAP Chairman Presbiterio Velasco at mga congressman, mayors at mga gobernador.

Ang pulong ay pinamunuan ng Vice Chairman ng partido na si Secretary Cusi sa kautusan na rin ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Senyales ito na wala nang makakahadlang sa mga pagpapaunlad ng mga pinakamahihirap na mga barangay sa bansa, yun bang mga pinamumugaran at sinasamantala ng mga Communist Terrorists Group (CTG). Dahil maipagpapatuloy na ang BDP, isa sa mga “flagship project” ng Administrasyong Duterte upang wakasan ang 53-taon na panggugulo ng CPP-NPA-NDF.

Sa BDP kasi, ang mga malalayo, pinakamahirap at ginugulo ng mga CTG na mga barangay ay matutukan na. Una lilinisin ang lugar sa presensiya ng mga CTG. Pangalawa, ibaba ang mga pondo para sa pagpapagawa ng mga kalsada, patubig sa bukirin, pagpapatayo ng mga ospital at mga health center at maging ng mga paaralan.

Hindi ba, kapag kumpleto na sa mga kinakailangang mga pasilidad ang isang komunidad ay nagiging progresibo na ito? Magiging masigla ang mga mamamayan at lahat ay magsisikap na mapabuti ang kabuhayan.

Kung walang manggugulong mga CTG na galing sa CPP-NPA-NDF at maging iba pang grupo na wala namang ginawa kundi pahirapan ang ating mga kababayan, aasenso ang lahat at mamumuhay ng payapa.

Kaya pinasasalamatan ko na nang taos-puso ang PDP-LABAN sa pagsuporta nito sa adhikain ng NTF-ELCAC kung saan tayo ay isa sa mga taga-pagsalita nito. Dahil uusad na nang husto ang mga programang isinusulong ng task force na makakabuti naman talaga sa kalagayan ng marami nating kababayan sa mga kanayunan.

The post Suporta ng PDP-Laban sa NTF-ELCAC pangtapos sa insureksiyon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Suporta ng PDP-Laban sa NTF-ELCAC pangtapos sa insureksiyon Suporta ng PDP-Laban sa NTF-ELCAC pangtapos sa insureksiyon Reviewed by misfitgympal on Hunyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.