Facebook

Taunang psycho test sa PNP dapat ipatupad – Sen. Marcos

IGINIIT ni Senador Imee Marcos na dapat nang ipatupad ang taunang neuropsych test para sa mga miyembro ng Philippine National Police.

Ito ay makaraang magbabala si Marcos na maaaring maulit pa ang pagpatay ng isang lasing na police master sergeant sa isang lola, kung mananatiling walang ngipin ang batas na nag-oobliga sa psychological test sa mga tauhan ng pulisya.

Tinukoy ni Marcos ang Republic Act 8551, na nag-amiyenda sa nagdaang batas sa pagrereporma sa police force,” na masyado pa ring maluwag sa pagsasagawa ng pyschological test, “kaya marami pa ring may saltik na pulis ang nakalulusot.”

“Ang umiiral na batas ay walang iskedyul kundi panawagan lang para sa regular at random na pagsasagawa ng pyschological tests. Ang dapat, gawin itong taunang requirement sa bawat tauhan ng PNP,” diin ni Marcos.

“Ang pagpupulis ang isa sa may pinakamataas na stress sa trabaho, na mahigpit na nangangailangan ng neuropsych testing at debriefing matapos ang isang marahas na operasyon. Dahil kung hindi, tulad ng makailang beses na nating nasaksihan, ang mga inosenteng biktima, ang komunidad, at iba pang inosenteng mga pulis ang magbabayad,” banggit pa ni Marcos.

Una nang inihain at isinulong ni Marcos ang Senate Bill 2005 noong nakaraang Enero ng taong ito, kasunod ng pagkakapaslang ni police master sergeant Joel Nuezca sa isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

“Ito ang ikalawang pagkakataon na isang police master sergeant na naman ang pumatay ng isang inosenteng sibilyan. Ang mga kaso ni Nuezca at ni (Hensie) Zinampan ay maaaring tawaging isolated cases, pero hihintayin pa ba nating maging karaniwan na lang ito?” tanong ni Marcos.

Sa gitna nito, nanawagan naman si Marcos kay PNP chief Guillermo Eleazar na imbestigahan ang immediate superior ni Zinampan, alinsunod sa R.A. 8551 na nagsasaad na ito’y otomatiko namang proseso para madetermina ang mga pagkukulang sa superbisyon sa nasasakupan nito.

“Ang matinding padrino at frat system sa PNP ay patuloy na mamamayagpag sa mga may saltik na police recruits at patuloy na magpapalusot sa mga ‘proteges’ o alaga ng mga matataas na opisyal ng pulisya,” dismayadong pahayag ng senadora. (Mylene Alfonso)

The post Taunang psycho test sa PNP dapat ipatupad – Sen. Marcos appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Taunang psycho test sa PNP dapat ipatupad – Sen. Marcos Taunang psycho test sa PNP dapat ipatupad – Sen. Marcos Reviewed by misfitgympal on Hunyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.