Facebook

P2.5B pondo ni Duterte gagamitin pambili ng covid-19 vaccine

APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagri-release ng P2.5 bilyong pondo para ipambili ng dagdag na COVID-19 vaccines.

Sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado, galing ang pondo sa contingency fund sa Office of the President.

Ayon kay Avisado, gagamitin ang pondo para ipambayad sa apat na milyong doses ng vaccines pati na sa logistical at administrative cost.

Dagdag ng kalihim, nagpalabas na siya ng special allotment release order at notice of cash allocation sa Department of Health.

Inihayag din ni Avisado na hindi lang P82.5 bilyon ang gagastusin para sa pagbili ng mga bakuna kundi pati na ang contingency fund ay kinakailangan nang gamitin. (Vanz Fernandez)

The post P2.5B pondo ni Duterte gagamitin pambili ng covid-19 vaccine appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P2.5B pondo ni Duterte gagamitin pambili ng covid-19 vaccine P2.5B pondo ni Duterte gagamitin pambili ng covid-19 vaccine Reviewed by misfitgympal on Hunyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.