Facebook

Mag-utol ang mga mister… Bianca at Iza maghipag na; Gerald ‘di pinatuloy sa hotel ng labs na si Julia

Ni GERRY OCAMPO

Sa YouTube vlog ni Gerald Anderson  titled My First  Long Motorcycle  Ride kasama ang mga kaibigan ay dinalaw niya si Julia Barretto na nasa lock-in taping.

Makikita nga sa vlog ang maghapong joy ride ni  piGerald sa kanyang motorbike kasama ang mga kaibigan at nagpunta sila sa Subic. Dahil naglibot pa sila kaya ginabi na sila nang makarating sa hotel na tinutuluyan ni Julia

Pero dahil sa protocol ay hindi pinayagan si Gerald na makaakyat sa tinutuluyang hotel ng girlfriend kaya hanggang baba lang sila. Makikitang nasa balcony si Julia ng room niya na  tanaw niya sina Gerald.

Nagkasya na lang sila na nag-usap  nang malayo at  puro kawayan na lang. Nagkakarinigan naman sila dahil nasa 2nd floor lang naman ang room ni Julia.

“This  is  what  the  virus  does,”  say ni Julia. “The  virus separates people.”

“Love  you  baby,” say naman ni Gerald  at  sinubukan pa nitong tumalon para  maabot  si Julia.

“Hindi kita abot,” say pa nito kay Julia.

***

CERTIFIED at legal wife na nga si Bianca King dahil ikinasal na siya kay Ralph Wintle sa Australia.

Sa  ipinost  na larawan ni Bianca sa Instagram ay isang simpleng  kasalan ang naganap na ginawa sa living room ng kanilang bahay.

Naka-printed long dress si Bianca na malayo sa mga ikinakasal  na puting gown. Samanalang naka-formal coat  naman ang kanyang mister.

Makikita sa larawan  ang paghahalikan ng dalawa na tanda na ikinasal na sila.

“Married  in our  living room,” say ni Bianca.

Ang nadamang pagmamahal ni Bianca ang dahilan kung bakit tuluyang iniwan na nito ang kanyang showbiz career para sumama kay Ralph sa Australia.

Maghipag  na ngayon sina  Iza Calzado  at  Bianca dahil  magkapatid  ang kani-kanyang mister, pareho na silang Mrs. Wintle. Nang i-post nga ni Bianca ang wedding nila ni Ralph ay nag-comment  agad si Iza ng, “Welcome to the family” na sinagot kaagad din ni Bianca na, “sup Mrs Wintle! Hahaha.”

Si Iza at husband nito na si Ben Wintle ang naging daan para makilala ni Bianca si Ralph Wintle. At dahil din kay Ralph kaya nag-relocate sa Sydney, Australia si Bianca to be with her man.

Dahil nandiyan pa rin ang pandemic  hanggang sa pagbati lang muna ng mga kaibigan ang nakararating kay Bianca. Sinagot ni Bianca  ang congratulatory message ni Mond Gutierrez ng, “you`re  gonna  shot our  wedding, party  some  day  one day.”

The post Mag-utol ang mga mister… Bianca at Iza maghipag na; Gerald ‘di pinatuloy sa hotel ng labs na si Julia appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mag-utol ang mga mister… Bianca at Iza maghipag na; Gerald ‘di pinatuloy sa hotel ng labs na si Julia Mag-utol ang mga mister… Bianca at Iza maghipag na; Gerald ‘di pinatuloy sa hotel ng labs na si Julia Reviewed by misfitgympal on Hunyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.