Facebook

Katrina mas tutok sa anak at negosyo kaysa lovelife; Barbie kinaiinggitan ng mga kasabayan sa rami ng raket sa Siyete

Ni MELCHOR M. BAUTISTA

HINDI nagsasalita nang tapos si Katrina Halili na hindi na ulit siya magmamahal pagkatapos ng naunsiyami nilang relasyon ng singer na si Kris Lawrence na mayroon silang isang anak.

Isa nang mommy ang Kapuso actress pero hanggang ngayon ay malakas pa rin ang karisma niya sa mga kalalakihan.

Sa dami ng kalalakihan na nagpaparamdam sa kanya, wala roon ang konsentrasyon ng bidang aktres ng pelikulang “AbeNida” ng BG Films International ng producer na si Madam Baby F. Go.

Wala muna ang konsentrasyon ni Katrina sa posibleng pagpasok sa bagong pakikipagrelasyon. Nakatutok ang kanyang panahon ngayon sa pagpapalaki ng kanyang anak na si Katie. Nagsisimula na rin siyang pumasok sa pagbi-business sa kanilang probinsiya sa El Nido Palawan.

***

NANG dahil sa pag-alis nina Sunshine Dizon at Janine Gutierrez sa bakuran ng GMA-7 ay nagkaroon ng pagkakataon ang iba pang Kapuso stars na mag-shine rin kung sa abot ng kanilang mga pinatutunayang talento ay marating din nila ang sukdulan ng kanilang kasikatan.

Katulad na lamang ni Barbie Forteza na ilang ulit nang nakapagbida sa mga teleserye ng kanyang home studio.

Para kay Barbie ay normal lang naman sa showbiz ang kumpitisyon. Pero tapos na para sa kanya ngayon ang pakikipagkumpitensiya. Mas naniniwala siya na sa showbiz ay dapat sipagan na lang ang laban dahil kung gusto mong magtagal sa showbiz ay dapat daw na may ginagawa kang mga proyekto na mapapanood ng publiko.

Dahil nga sa kasipagan ni Barbie ay lihim siyang kinaiinggitan ng ibang kapanabayan niyang artista dahil hindi siya nababakante. Malaki ang tiwala ng Siyete sa young actress dahil sa professionalism nito sa trabaho dahil kaya niyang pagsabayin ang career at lovelife nang walang trabaho, shooting man o taping na sasabit.

***

MATAGAL na ring may mga paglapit ng pangungumbinsi kay Gardo Versoza na pumasok na rin sa pulitika.

Pero matigas ang kanyang paninindigan noon pa man na hindi niya nakikita ang sarili na maging isang pulitiko.

Pinanindigan ni Gardo na talagang kung gusto mong tumulong sa kapwa ay magagawa mo iyon kahit hindi ka isang pulitiko. Sa katunayan, kasama siya sa isang grupo ng mga siklista na ang mga nalilikom na pondo ay sa kawanggawa napupunta.

Marami ang nakapansin na ang aktor mula sa teleseryeng “First Yaya” ng GMA-7 ay maamo sa mga tao noon pa mang kasikatan niya sa bakuran ng Seiko Films bilang TF King. Kaya hanggang ngayon ay marami pa rin ang may gusto na pasukin na ng aktor ang pulitika.

The post Katrina mas tutok sa anak at negosyo kaysa lovelife; Barbie kinaiinggitan ng mga kasabayan sa rami ng raket sa Siyete appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Katrina mas tutok sa anak at negosyo kaysa lovelife; Barbie kinaiinggitan ng mga kasabayan sa rami ng raket sa Siyete Katrina mas tutok sa anak at negosyo kaysa lovelife; Barbie kinaiinggitan ng mga kasabayan sa rami ng raket sa Siyete Reviewed by misfitgympal on Hunyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.