Facebook

Dingdong naging parte ng San Beda cheerleading squad

Ni ROMMEL GONZALES

LINGID sa kaalaman ng nakararami, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ay naging member pala ng San Beda Cheerleaders Association!

Ipinalabas sa isang episode ng ‘Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96’ ang isang short video na si Dingdong ay kasamang nagpe-perform para sa isang game.

Malamang ay isa rin si Dingdong sa mga excited nang mapanood ang pagsisimula ng bagong season ng NCAA. Sa ngayon ay patuloy munang tumutok sa ‘Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96’ sa GTV, Mondays to Fridays, 2:45 p.m., Saturday, 4:30 p.m., and Sunday 5:05 p.m.

***

Willie at John Lloyd, may exciting na sorpresa ngayong Linggo

BUKOD sa patuloy na paghatid ng kasiyahan at papremyo sa Kapuso viewers, abala rin ang Wowowin host na si Willie Revillame sa pagpapagawa ng kanyang resort sa Puerto Galera.

Kuwento niya sa isang online media event, may iilan na ring mga kaibigang artista ang nakabisita doon tulad ni John Lloyd Cruz.

And speaking of John Lloyd, nakasama niya ang aktor sa isang espesyal na segment ng Shopee kahapon, Linggo, June 6. Ito rin ang nagsilbing pagbabalik-telebisyon ni John Lloyd na napanood nga sa GMA.

The post Dingdong naging parte ng San Beda cheerleading squad appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dingdong naging parte ng San Beda cheerleading squad Dingdong naging parte ng San Beda cheerleading squad Reviewed by misfitgympal on Hunyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.