Facebook

11-anyos na babae 8 taon nakagapos sa higaan

MASAKIT man sa kalooban ng mga magulang, wala silang magawa kundi igapos sa papag na kawayan ang kanilang 1- anyos na anak na babae. Ginagawa nila ito sa loob na ng walong taon.

Sa ulat, nakatali ang mga kamay at paa gamit ang retaso ng tela si “Precious” ng Minglanilla, Cebu.

Dahil sa walong taon na pagkakatali, makikita na ang bakas ng pangingitim sa kaniyang balat sa bahagi ng pulso at paa.

Kuwento ng ina na si Mardie, noong baby palang si Precious ay pabalik-balik na sila sa ospital dahil laging may lagnat ang anak.

At habang lumalaki, nagiging bayolente si Precious. Sinasaktan nito ang kaniyang sarili pagsapit ng tatlong taon.

May pagkakataon na inuumpog ni Precious ang ulo at minsan narin itong nakahawak ng patalim na itinutok sa kanyang sikmura.

Dahil sa takot nila na mapahamak ang anak, nagpasya silang igapos nalang ito sa papag.

Sa papag narin pinapakain at pinapaliguan si Precious habang nakagapos.

Dahil sa hirap ng buhay, hindi nila maipatingin pa sa duktor ang anak. Nasa P450 lang bawat araw ang sahod ng amang si Gerson.

Kapag nasa bahay, sandaling pinapakawalan ni Gerson ang anak para makapaglakad sa labas.

Masakit din para sa kaniya ang makita ang kalagayan ng anak pero wala siyang magawa.

Ayon sa Safe Haven, isang treatment and recovery village sa Cebu, maaaring makalaya si Precious sa pagkakagapos sa gagawin nilang mga treatment dito.

The post 11-anyos na babae 8 taon nakagapos sa higaan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
11-anyos na babae 8 taon nakagapos sa higaan 11-anyos na babae 8 taon nakagapos sa higaan Reviewed by misfitgympal on Hulyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.