NASA P136 million halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug pushers ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy bust operation sa Bacoor City, Cavite Sabado ng umaga.
Kinilala ang mga nadakip na sina Michelle Castro Bardelosa, 39; at Louixe Jahmir Quilantanh, 16, kapwa taga-Phase 1, Avida Settings, Barangay Molino, Bacoor City.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, 10:00 ng umaga nang magsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na mga elemento ng PDEA IIS, PDEA 4A, ISAFP Task Force NOAH, at Bacoor City Police sa Phase 1 Avida Settings, Bgy. Molino.
Inaresto ang dalawa nang maiabot ang 1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 million sa isang agent na nagpanggap na buyer.
Nasamsam rin ng mga operatiba ang 19 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P129.200 million, 1 driver license ID, bundle ng boodle money at 2 unit Samsung Basic Phone2.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung anong grupo ang kinabibilangan at kung saan galing ang mga nakuhang iligal na droga.(Mark Obleada/Koi Laura)
The post 136-M SHABU NASABAT SA CAVITE! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: