Facebook

KMP binatikos ang administrasyon sa repormang agraryo

BINATIKOS ng grupo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang kasalukuyan administrasyon dahil umano nananatiling walang tunay na repormang agraryo at hawak pa rin umano ng mga landlords at kapitalista ang malalawak na haciendas at iba pang landholdings.

Nabatid sa press release sinabi ng KMP na ang malalawak na haciendas at iba pang landholdings ay nananatiling hawak pa rin ng mga landlords at kapitalista at prominenteng pamilya at korporasyon.

Sinabi ng KMP ang mga sumusunod na malalawak na lupain na hawak pa rin ng iilang ay ang DMCI-Consunji na may Logging areas sa Sultan Kudarat at may hawak na 102,954 hectare, Yulo – Yulo King Ranch sa Palawan at Hacienda Yulo sa Laguna na may 47,100 hectare na lupain, Ramon Ang-na may Total declared property of San Miguel Corp. across the country. Kabilang ang energy areas sa Compostela Valley, Agusan Petroleum and Minerals Corp. in Davao Oriental, and Talitip Aerotropolis in Bulacan na may 37,307 hectare, Aboitiz — Aboitiz Geothermal Powerplant in Pampanga at sa Zambales- na may 29,000 hectare, Pamilyang Zobel-Ayala — Declared landbank of Ayala Land, malls, offices, at iba pang properties sa buong bansa at Hacienda Zobel sa Batangas — 25,440 hectare, Pamilyang Cojuangco– Hacienda San Antonio – Sta. Isabel at Hacienda de San Luis in Isabela; Hacienda Luisita sa Tarlac; Hacienda San Antonio, Hacienda Araal, Hacienda Cainaman, Hacienda Fe, Hacienda Adelina, Hacienda Candelaria & Caridad, Hacienda Balatong, Hacienda Soledad, Hacienda Nieva, and Hacienda Bonifacia in Negros Occidental na may 25,046 hec., Reyes — Hacienda Reyes sa Quezon na may – 13,000 hectare, Madrigal — Hacienda Madrigal sa Cagayan Valley na may – 12,000 hectare, Gotianun— Declared landbank of Filinvest nationwide and New Clark City in Pampanga and Tarlac na may — 11,350 hec., Espinoza– Haciendas and ranchos in Masbate na may — 10,000 hec,, Sy — Hacienda Looc sa Batangas at 76 malls nationwide na may– 9,510 hec., Araneta — Araneta Estate, Isabela-Teresa Land, at iba pang properties sa Bulacan at Rizal na may — 6,934 hectare, James Murray Tumbaga Ranch sa Quezon na may —6,000 hec., Villacete- Hacienda Villacete in Cagayan Valley na may —6,000 hec., Matias — Hacienda Matias in Quezon na may –5,000 hectares, Roxas — Hacienda Roxas sa Batangas na may – 4,783 hectares, Zulueta- Hacienda Dimzon-Zulueta, Hacienda Ballao, Hacienda Sevillana, and Hacienda Nueza in Isabela – 4,538 hec., Escudero- Hacienda Escudero in Laguna and Quezon -4,000 hec., Puyat- Puyat Estate in Batangas and Atlanta Lands in Laguna- 3,900 hec., Villar – Declared Vista Land landbank, 31 malls, 7 BPO offices, and other properties in 49 provinces nationwide. Holds 61% of the house lot market in the country – 3,135 hectares, Sara Duterte- Banana farms in Mount Negron, Zambales- 3,000 hec., Juanito Uy – Hacienda Uy sa Quezon – 2,415 hectares.

Ayon pa sa KMP na nabigo rin ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng DAR upang maipatupad ang tunay na repormang agraryon sa kanayunan.

Kaugnay nito samantala sinabi pa sa press release ng KMP ang Udenna Land na umano’y kilala bilang malapit sa administrasyon na si Dennis Uy ay may deklarado umanong 365 hectares ngayong kasaluyang 2021.

Samantala nabatid na habang si Ramon Ang’s ng San Miguel Corporation na may deklarado na 17,123 hectares ng land owned nitong 2016 at nitong katapusan ng 2020 ito’y 37,307 hectares o katumbas ng 118% na itinaas nitong apat na taon.

Habang ang Villar’s VistaLand na may 45% na control kabuuang local house lot market nitong 2016 at sa katapusan ng 2020 ito’y naging 61% matapos makapagtayo ng mahigit 100,000 houses at lupa.

Kaugnay nito sinikap naman ng sumulat na makuha ang panig ng Department of Agrarian Reform (DAR) hinggil sa press statement ng grupo ng KMP subalit hindi sumasagot sa text at hindi makontak sa tawag sa cellphone ang mga opisyal ng Public Assistance and Media Relations Services ng DAR at ang director nito na si PAMRS Director Cleon Lester Chavez . (Boy Celario)

The post KMP binatikos ang administrasyon sa repormang agraryo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
KMP binatikos ang administrasyon sa repormang agraryo KMP binatikos ang administrasyon sa repormang agraryo Reviewed by misfitgympal on Hulyo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.