Facebook

31 volcanic earthquakes naitala ng Bulkang Taal

TINATAYANG aabot sa tatlumpu’t isang (31) mahinang volcanic earthquakes ang naramdaman sa paligid ng Bulkang Taal sa patuloy na pag-aalboroto ng bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) bukod sa volcanic earthquake nagbuga rin ang bulkan ng volcanic sulfur dioxide gas at steam-rich plumes na may taas na dalawang libo’t limang daang (2,500) metro patungong timog timog-kanluran.

Ayon sa Phivolcs na patuloy na nakataas sa alert level 3 ang bulkang Taal na may mataas na aktibidad ang bulkan.

Nabatid pa sa Phivolcs na ang magma na nanunuot sa main crater ng bulkan ay maaaring magdulot ng malakas na pagsabog.

Samantala kaugnay nito pinaaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na ang bulkang Taal ay nananatiling nasa Permanent Danger Zone o PDZ at nananatiling nasa high-risk ang mga barangay ng Agoncillo at Laurel dahil sa banta ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami ng bulkan.

Kaugnay nito pinapayuhan ang mga residente sa paligid ng Taal Lake na maging mapagmatyag at mag-iingat dahil sa posibleng ashfall na galling sa bulkan at lagging maging handa sa posibleng evacuation kung sakaling ang aktibidad ng Taal ay lumala.

Pinaalalahanan din ang civil aviation na paalalahanan ang mga piloto na iwasang magpalipad ng eroplano malapit sa bulkan dahil sa naglipanang abo at umiitsang bato at pyroclastic density currents tulad ng base surge na maaaring makaapekto sa aircraft na idudulot ng posibleng biglaang pagputok ng bulkan. (Boy Celario)

The post 31 volcanic earthquakes naitala ng Bulkang Taal appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
31 volcanic earthquakes naitala ng Bulkang Taal 31 volcanic earthquakes naitala ng Bulkang Taal Reviewed by misfitgympal on Hulyo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.