TINATAYANG nasa 3,000 kapulisan ang ipoposte ng Manila Police District (MPD) sa iba ‘protest zones’ sa Maynila sa Lunes, July 26, kaugnay ng nakatakdang huling State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte ito ay sa kabila na pagpapairal ‘no permit, no rally’ policy.
Ayon kay public information officer Capt. Philipp Jose Ines, inutos din ni MPD Director PBGen. Leo Francisco ang paglalagay ng karampatang bilang ng mga unipormadong pulis sa Chino Roces bridge (Mendiola), Liwasang Bonifacio, US Embassy at sa lugar Supreme Court (SC) .
Sa kabila na wala namang banta sa national security, inilagay pa rin ni Francisco ang MPD sa ilalim ng alert status.
Sa panayam kay Francisco, sinabi nito na inatasan niya ang Task Force Commanders na maghanda sa posibleng senaryo kasabay din ng paghimok niya sa mga raliyista na huwag ng lumabas dahil sa bantang dulot ng Delta variant, at sinabi rin nito na maaari namang ilabas ang kanilang mga saloobin sa virtual na paraan.
Ayon pa kay Francisco, sa kabila na mahigpit na paiiralin ang ‘no permit, no rally’ policy, ay ie-exercise pa rin ng mga kapulisan ang maximum tolerance.
Sinabi din nito na ang MPD deployment ay bahagi ng 15,000 personnel na itatalaga sa utos ni National Capital Region Office chief PMGen. Vicente Danao, Jr., at siya ring mangunguna sa security preparations and deployment plans para sa SONA 2021.
Isinaboses din ni Francisco ang sinabi ni Danao na sa kabila na mayroon kalayaan sa pagpapahayag, mahalaga rin na bigyan ng kunsiderasyon ang batas at regulasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Umapela si Danao sa publiko na manatili na lamang sa bahay sa halip na sumama sa rallies: “because it can be a cause of wide spreaders lalo na ngayon with DELTA variant, na very dangerous. Kaya kami po ay nakikiusap sa lahat na kung wala naman kayong ibang gagawin, siguro po magstay at home na lang. Lalong lalo na ngayon, baka magkahawaan pa tayo lalo niyan.”
Tiniyak din ng NCRPO na mayroong contingency plans sakaling magkaroon ng anumang insidente, gayunman ay nagkaroon na ng mga pag-uusap sa pagitan ng iba’t-ibang community leaders, stakeholders at civil society leaders.
“”We are also deploying the use of body-worn cameras para po mamonitor natin yung lahat ng movement lalong lalo na yung sa security aspect. Mas makikita natin yung movement ng mga tao at mas matututukan natin yung placement ng kanilang deployment. This is to ensure na hindi tayo malulusutan ng any suspicious person na maaaring gumawa ng kalokohan,” dagdag pa ni Danao. (ANDI GARCIA)
The post 3K na Pulis Maynila, ipoposte sa ‘protest zones’, sa huling SONA ni PRRD appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: