Facebook

Ika-130 Malasakit Center binuksan sa Batac, Ilocos Norte

Pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagbubukas ng ika-130 Malasakit Center sa Mariano Marcos Memorial Hospital at Medical Center sa Batac City, Ilocos Norte noong Biyernes.

Ito ang ikalawang Malasakit Center sa probinsiya at ikalima sa rehiyon, kasunod ng nasa Governor Roque B. Ablan Sr. Memorial Hospital sa Laoag City; Gabriela Silang General Hospital sa Vigan City, Ilocos Sur; Region I Medical Center sa Dagupan City; at Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando City, La Union.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Go na siyang chairman ng Senate Committee on Health, na maraming Filipino na naninirahan sa mahihirap at liblib na lugar ang hindi nararating ng serbisyong medikal para malunasan ang kanilang problemang pangkalusugan kaya apektado rin ang kanilang kabuhayan.

Kaya binalaan ni Go ang mga ospital na patuloy na binabalewala ang mga nangangailangan ng medical attention at hinimok ang mga nahihirapan sa mga bayarin sa ospital at walang panggamot na lumapit sa kanilang lokal na Malasakit Center para sila ay mabigyan ng medical assistance ng pamahalaan.

“Hindi pumipili ang Malasakit Center. Basta Pilipino ka, qualified ka. Wala nang dahilan para hindi kayo matulungan, lalung-lalo na kung poor o indigent patient ka. Pakiusap sa hospital staff, ‘wag niyong pababayaan ang mga mahihirap nating kababayan, ‘yung helpless, hopeless at walang matakbuhan sa panahong ito,” apela ni Go.

Ang Malasakit Center ay one-stop shop kung saan ang mga pasyenteng Filipino ay maaring humingi ng medical assistance mula sa mga government agencies, na kinabibilangan ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office.

“Kung hindi sapat ang tulong ng mga ahensya, may iniwang pondo ang Office of the President para maging ‘zero balance’ ang billing niyo at wala na kayong babayaran sa ospital. Ngayon, kung may pasyente na hindi kayang gamutin diyan, pwede natin kayong dalhin dito sa Maynila at ako na po ang sasagot sa gastusin niyo,” ayon kay Go.

The post Ika-130 Malasakit Center binuksan sa Batac, Ilocos Norte appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ika-130 Malasakit Center binuksan sa Batac, Ilocos Norte Ika-130 Malasakit Center binuksan sa Batac, Ilocos Norte Reviewed by misfitgympal on Hulyo 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.